Iskoran

Iskoran_Banner

“ISKORAN”
Maikling Kuwento ni Juan Bautista

 

– Oy pare! Kamusta? Matagal kang ‘di nadalaw a.

– Ayos lang, pre. Meron ba tayo diyan?

Luminga-linga muna si Resty bago papasukin si Toto sa loob ng kanyang bahay. Continue reading “Iskoran”

Advertisements

THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition

TheMoneyTeamInBilibid

THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition

Mga de-kalibreng baril, mobile phones, mamahaling alak, pera at kung anu-ano pang mga bagay na hindi mo maiiisip na magkaroon sa piitan. Yan ang mga nahuli sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Bureau of Corrections sa ilang dormitoryo ng  New Bilibid Prison, na kung saan ilan sa mga nakakulong ay mga drug lords at high profile convicts. Continue reading “THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition”

Ang Bagong Krusada (Novella)

Ang Bagong Krusada_Web

Juan Bautista’s 
ANG BAGONG KRUSADA
(Novella)

Kabanata I: Santa Maria

“Sa kasalukuyang panahon ay sino pa nga ba ang ating masasandalan laban sa imoralidad at kasakiman? Mga magnanakaw na pulitiko? Mga buwayang pulis at opisyales ng militar? Hindi nga ba’t malimit ay sila ang mga demonyo na nag-anyong tao sa lupa? Oras na upang muling magsanib ang Krus at Espada. Nalalapit na ang oras na kung saan isang digmaang pandaigdig ang muling magaganap. At sa pagkakataong iyon, ito ay kikilalanin sa kasaysayan bilang Banal na Digmaan, Relihiyon laban sa Relihiyon, Pananampalataya laban sa Pananampalataya, Diyos laban sa Diyos. Oras na upang bumangon sa mahabang pagkakahimbing… Ang Bagong Krusada. Continue reading “Ang Bagong Krusada (Novella)”

Sitio Harangan

Sitio_Harangan

“SITIO HARANGAN”
Maikling Kuwento ni Juan Bautista

“Nay. San ho tayo?”

Sa wakas ay nakahanap din ng pasahero si Kardo. Sa itinagal-tagal ng kanyang paghihintay sa tapat ng Mercury Drug sa San Jose highway ay may lumapit din sa kanya. Subalit bantulot syang ihatid ang mag-lola nang sabihin ng mga ito kung saan ang kanilang tungo. Continue reading “Sitio Harangan”

Masdan mo ang mga bata

masdan

“Masdan mo ang mga bata”

Nung nakaraang mga araw, binaha ng larawan ng isang batang wala ng buhay sa dalampasigan ang Facebook at Twitter. Ayon sa kasabihan, “A picture is worth a thousand words”, pero nang makita ko ang larawan, daandaang emosyon ang aking naramdaman. Mahilig kasi ako sa bata. Kahit nuon pa, kadalasan noong isa pa ‘kong matagumpay na tambay’, uupo lang ako sa tapat ng bahay namin tuwing hapon at pinapanood ang mga batang naglalaro habang nagyo-yosi at kape. Continue reading “Masdan mo ang mga bata”

Dehadista

dehadista

“Dehadista”

Liyamado o Dehado? Kanino ka pupusta? Ito ang kadalasang tanong sa atin sa tuwing kailangan nating mamili sa pagitan ng dalawa o ilan sa tuwing mayroong kumpetisyon o patimpalak. Laging may liyamado, at laging may dehado. Sa pagitan kasi ng dalawang kalahok o kuponan na nakatakdang magsagupa, nasasapantaha na natin kung sino ba ang mas nakalalamang base sa estado nito bago pa man ang mismong bakbakan. Boksing, Basketbol, Kantahan, Sayawan lalo na sa Sabungan. Mayroon tayong tinatawag na liyamado at dehado. Continue reading “Dehadista”