The Mythology Class by Arnold Arre

I have been looking for this book for a while before my good friend, Illustrator, Don Tantiado told me that he has a copy of this graphic novel by Arnold Arre.

The Mythology Class (won the National Book Awards in 2000) is a graphic novel about a group of teens formed by Mrs. Enkanta (a hero from the past) to hinder the dark forces destined to return – to  once again, spread terror and to revive their ringleader. Continue reading “The Mythology Class by Arnold Arre”

Advertisement

ANG BAGONG KRUSADA (Rebyu ni Y.M Bait)

Ang Bagong Krusada ni Juan Bautista

Ito ang ikatlong katha ni G. Bautista na aking nabasa. Una ay ang kanyang librong Imortal at ikalawa ay ang Red Manila Stories. Hindi ako binigo ng panulat ni G. Bautista. Ang pagkukuwento sa pagkakataong ito ay nasa perspektibo ng sosyal na pagtingin at pagkilatis lalo pa ang mga umiiral na organismo (Simbahan o Gobyerno) gayundin ng pagbabanggaan ng mga nag uumpugang mga puwersa (juxtaposition) ang kabutihan laban sa kasamaan. Continue reading “ANG BAGONG KRUSADA (Rebyu ni Y.M Bait)”

Book Review: GERILYA ni Norman Wilwayco

GERILYA – Norman Wilwayco Rebyu

GERILYA ni Norman Wilwayco, nagkamit ng Gintong Pala sa kategoryang Nobela (Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, taong 2008)

Siguro, bukod sa  “Mondomanila” (na si Wilwayco rin and may akda), ang GERILYA ang isa sa mga librong lokal na talaga namang nananapak dahil sa sobrang kaangasan at ka-wasakan. Solid na solid ang librong ito lalo na kung naghahanap ka ng mga lokal na akda na kakaiba ang kuwento kumpara sa iba. Isa siguro sa mga dahilan kung bakit ito nagwagi ng Grand Prize sa Palanca noong 2008, ay dahil sa “approach” ni Wilwayco sa mga mambabasa. Continue reading “Book Review: GERILYA ni Norman Wilwayco”

Book Review: Macarthur by Bob Ong

macarthur

Macarthur – Book Review
Unang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Ang balak ko talagang unang basahin sa mga libro nya ay yung ‘Stainless Longganisa’ dahil sa pagkakaalam ko, tungkol iyon sa kanyang pagsusulat. Ayos sana para naman magkaroon ako ng ideya sa istilo nya ng pagsusulat at pagkukuwento, pero mailap yung ‘Stainless’ e, kaya hiniram ko muna sa pinsan ko ang kopya nya ng Macarthur. Continue reading “Book Review: Macarthur by Bob Ong”

Book Review: Mondomanila by Norman Wilwayco

mondo

“Mondomanila” Book Rebyu

“Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon.

Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon.”

Ilang beses ko nang sinabi at hindi ako magsasawa na ulit-ulitin ito, kung pagsusulat at pagkukuwento ang paksa. Si Norman Wilwayco ang pinakamaimpluwensyang nilalang sa aking buhay Kuwentista at Mambabasa. Ang Mondomanila, ang pangalawa kong nabasa sa kanyang mga akda. Subalit bago ko ito rebyuhin ay minabuti kong basahin itong muli dahil wasak talagang balik-balikan ang kuwento ng buhay ni Tony. Continue reading “Book Review: Mondomanila by Norman Wilwayco”

BOOK REVIEW: MANILA NOIR BY JESSICA HAGEDORN

Manila Noir

The stories of this anthology are all well-written and diverse in terms of style. Composed of ingenius writers such as Jessica Hagedorn (Dog Eaters) , Budjette Tan (Trese) , Lourd De Veyra ( Super Panalo Sounds!) and others, with their respective writing styles and storytelling, you can’t go wrong on buying this book. Continue reading “BOOK REVIEW: MANILA NOIR BY JESSICA HAGEDORN”

Book Review: Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat ni Ronaldo S. Vivo Jr.

UngasPress

Book Review: “Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat”
ni Ronaldo S. Vivo Jr.

Unang Nobela ng kuwentistang si Ronaldo S. Vivo Jr. Ang “Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat” ay isang nobela na binuo ng pinagtagni-tagning masasalimuot na kuwento ng magkakaibigang Dodong, Buldan at Butsok. Patayan, droga, tirahan, gaguhan at marami pang iba. Hindi normal ang istilong ginamit sa pagsusulat, alam ni Vivo kung kailan niya maaaring laruin ang takbo ng istorya kaya naman napakahirap ibaba ng librong ito kahit ihing ihi ka na habang nakayukyok sa isang tabi at ninanamnam ang bawat eksena. Continue reading “Book Review: Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat ni Ronaldo S. Vivo Jr.”