Book Review: Macarthur by Bob Ong

macarthur

Macarthur – Book Review
Unang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Ang balak ko talagang unang basahin sa mga libro nya ay yung ‘Stainless Longganisa’ dahil sa pagkakaalam ko, tungkol iyon sa kanyang pagsusulat. Ayos sana para naman magkaroon ako ng ideya sa istilo nya ng pagsusulat at pagkukuwento, pero mailap yung ‘Stainless’ e, kaya hiniram ko muna sa pinsan ko ang kopya nya ng Macarthur.

Urban-fiction ang genre. Isa sa mga paborito ko. Tungkol ang Macarthur sa buhay ng magkakaibigang Voltron, Cyrus, Noel at Jim. May kaniya-kaniyang istorya ang magkakatropa, pero magkasundo sila sa isang bagay. Hindi ko na lang babanggitin ‘yon dahil spoiler sa mga hindi pa nakakabasa ng libro.

Walang dalawang oras kong binasa ang buong libro. Isang bira lang. Nakakalungkot, nakakatawa at nakakabad trip din yung mga sitwasyon ng magkakaibigan. May mga diyalogo na bigla na lang ako natawa. Trip ko yung pananalita ng mga tauhan ng librong ito dahil talagang asal kalye ang apat na magkakaibigan.

Hindi naiiba ang kuwento sa karamihang Urban Fiction na naisulat na lalo na kung ang tagpo at paksa ay Pilipinas. Pero ayos naman ang paglalahad ni Bob Ong ng kuwento. Hindi mahirap basahin ang ‘Macarthur’. Actually, masarap pa ngang basahin dahil parang nanonood ka ng isang pelikula.

Bagama’t inabot ng siyam-siyam bago ako nakapagbasa ng libro ni Bob Ong, hindi naman ako isa sa mga naniniwalang overrated siyang manunulat. Mayroon lang talaga akong mga akda na sinusubaybayan galing sa mga paborito kong manunulat, sa wikang Filipino man o Ingles.

Base dito sa kanyang Macarthur, masasabi kong ‘Wasak’ din siyang manunulat. Kaya naman hindi ako nagtataka na, at isa sya sa mga pinakamatagumpay na manunulat ng henerasyong ito. At hindi ito ang una’t huling pagbabasa ko ng kanyang mga akda.

Apat na bituin para sa Macarthur!

– JB

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s