ANG LALAKING NAKAPULA (Maikling Kuwento)

“Ang lalaking nakapula”
Maikling kuwento ni Juan Bautista

“Shit! Tangina mo bobo!” Sigaw ni Eric sa drayber ng sasakyang muntik na nilang makabanggan.

“Ano ba Eric. H’wag masyado mainit ang ulo sa kalsada, mapapaaway ka nanaman nyan e.” Saway ni Diana.

“Ano ka ba Hon, anak ng Congressman ang BF mo no. Pagbabarilin ko pa yan e. Hehe. Joke lang.”

Patungo ang magkatipan sa Domingo St., isang kilalang kalye na dinadayo ng marami dahil sa mga kakaiba nitong Bars at Restaurants. Lahat ng maaaring puntahan sa lugar na iyon ay nabisita na nila, maliban sa isa, ang Bad Joker’s. At ngayong gabi nga’y doon ang plano nilang puntahan upang maghapunan. At hindi lamang pagkain at inumin, isang kaibigan ni Eric ang nakapagkuwento na sa lahat ng Bar & Restos na napuntahan nya, iyon na ang pinaka “Da Best” para sa kanya. Dahil bukod sa binabaha ito ng mga big time na personalidad ay legal din sa loob ang paggamit ng droga.

At higit sa lahat, isang VIP Lounge na nagpapalabas ng isang kakaibang “Live Show” na eksklusibo lamang para sa mga mararangyang parokyano na gaya nya.

Kasalukuyan silang naghahanap ng parking slot nang biglang may tumawid na lalaking nakapula sa kanilang harapan. Muntik na itong masagasaan ni Eric at muli, nag-init nanaman ang ulo nito at sinigawan ang lalaki. “Hoy! Putangina ka naman sa’yo ba ‘tong parkingan? Para kang naglalakad sa buwan a.”

Ngumisi lamang ang lalaking nakapula at nagpatuloy na sa paglalakad sa madilim na parteng iyon ng parking area.

***

Dahan dahang idinilat ni Eric ang kanyang mga mata, ramdam pa rin nya ang sakit na dulot ng pagkakapalo sa gawing likuran ng kanyang ulo. Iyon ang huling eksena na natatandaan nya bago sya muling magkaroon ng malay sa loob ng isang madilim na kuwarto. “Diana? Diana.” tawag nya sa katipan. Mahinang ungol ang kanyang nadinig.

“Eric?” si Diana.

Binulaga ang magkatipan nang biglang pagbukas ng ilaw sa silid. Noo’y napagtanto nilang magkaharap lamang pala sila, subalit sila’y parehong nakagapos sa bakal na poste. Nahintakutan ang dalawa nang makita ang isang lalaking hubo’t hubad na may hawak na lagaring pang kahoy. May nakasaklob na telang itim sa ulo nito at mga mata lamang ang nakikita.

“Kamusta na kayo mga kaibigan?” tanong ng lalaki. “Ngayong gising na kayo pareho’y maaari na nating umpisahan ang palabas.” Sabay himas nito sa pisngi ni Eric.

“Putangina. Ano ‘to? Nasaan kame? Anong gagawin mo sa’men?” tanong ni Eric na hindi maitago ang takot sa kanyang boses.

“Eric. Eric!” umiiyak na si Diana.

“Yung lalakeng nakapula…” bulong ng lalaki sabay suntok nito sa sikmura ni Eric. Kahit hindi pa nakapaghapunan ay napasuka si Eric sa lakas ng pagkakasuntok ng lalaki sa kanyang sikmura.

Inilapag ng misteryosong lalaki ang hawak nitong lagare at mula sa kanyang paanan ay dinampot nito ang isang ‘bolt cutter’. Nanlaki ang mga mata ng magkatipan, at nang papalapit na ang lalaki kay Eric ay nagumpisa na magpupumiglas ang huli.

“Tulong! Tulungan nyo kame saklolo!” palahaw ni Eric. Si Diana nama’y patuloy sa pag-iyak at naihi na lamang sa labis na takot.

Walang sali-salita’y hinawakan ng lalaki ang kamay ni Eric at ganun na lamang ang kanyang sigaw nang tagpasin ng lalaki ang magkabila nyang hinlalaki gamit ang bolt cutter. “Putangina mo ‘pag nakawala ako dito papatayin kita!” sigaw ni Eric. “Iyon ay kung makakawala ka kaibigan. Tumingin ka sa iyong gawing kanan, paligayahin mo sila… lakasan mo ang iyong sigaw. Murahin mo ‘ko ng murahin. Magmakaawa ka…”

Hindi maintindihan ni Eric ang ibig sabihin ng lalaki dahil nang siya’y lumingon sa kanang bahagi ng silid ay salamin lamang ang nanduduon. Doo’y kitang kita nya ang imahen ng tatlong nasa silid. Sya, si Diana at ang misteryosong lalaki.

Nagkakawag si Eric nang dahan dahang lingunin ng lalaki ang kanyang katipang si Diana. Ngayon ay may hawak na itong gunting habang papalapit sa babae. Walang magawa si Eric kundi ang magmakaawa na h’wag galawin si Diana subalit sa tuwing madidinig ng lalaki ang kanilang mga pagsigaw at pagmamakaawa ay animo’y nakikinig ito sa isang klasikong musika. Lalo itong nananabik sa tuwing nararamdaman ang kanilang mga pasakit. At ganun na lamang ang takot ng magkatipan nang gupitin at hubarin ng lalaki ang saplot ni Diana at iniwang hubo’t hubad ang huli. Matapos noo’y umupo sa silya ang lalaki at nagsalang ng shabu sa inunat na aluminum foil at nag-umpisa na itong humigop ng usok habang nakatalikod sa kanila.

Kasunod nang pagkumpas ng kamay nito ay ang pagpasok ng tatlong lalaki sa silid. Halinhinang ginahasa ng mga ito si Diana habang nakagapos nang patayo ang walang kalaban-labang babae. Halos wala nang boses si Eric sa kakasigaw sa loob ng silid. Iyon lamang ang kaya niyang gawin nang mga oras na iyon.
Matapos magsawa sa pambababoy kay Diana ang mga bisita ng lalaki ay si Eric naman ang pinaglaruan ng mga ito. Ginahasa rin ng mga ito si Eric, inihian, ginulpi at iba’t iba pang klase ng pagpapahirap na hindi magagawa ng isang taong nasa matino ang pag-iisip. Tinurukan din ng droga ang magkatipan, at matapos noon ay inutusan silang magtalik habang kinukunan ng ‘video’. Bagama’t hindi na sila nakagapos ng mga oras na iyon ay hindi pa rin makapanlaban si Eric. Dahil ang inaalala nya ay si Diana. Maaari itong mapahamak kung sya ay magpapadalus-dalos. At apat na lalaki ang kanyang sasagupain kung sakali.

***

Nang matapos na ang mga lalaki sa pambababoy sa kalunus-lunos na magkatipan ay lumabas na ang mga ito sa silid at muling namatay ang ilaw. Purong kadiliman. Ang pag-iyak lamang ni Diana ang nadidinig ni Eric habang patuloy sya sa pagluha dulot ng sakit sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Muling bumukas ang pintuan ng kwarto.

“Eric. Ser Eric?”

Bagama’t pamilyar ang boses na narinig ay hindi parin makatiyak si Eric bilang madilim pa rin sa loob ng silid.

Ganon na lamang ang gulat ni Eric nang makita si Ruben nang muling magbukas ang ilaw.

“Ruben? Ruben. Ruben parang awa mo na ilabas mo kame dito. Mauubusan ako ng dugo. Ruben, si Diana. Kailangan natin syang iligtas dito, Ruben.”

“E ser. Hindi po pwede. Saka kay ser Albert na po ako nagtatrabaho. Sa kanya ho ako humingi ng tulong matapos nyo kong ipakulong noong isang linggo.” Sagot ni Ruben. Ang drayber ng kapatid ni Eric na pinagbintangan nyang nagnakaw sa mamahiling relo ng kanilang ina.

“Totoo ‘yon pre.”

Lalong ikinagulat ni Eric nang makita si Albert. Ang kanyang kaibigang malimit na bumibisita sa Bad Joker’s.

“Albert?”

“Pasensya ka na pre. Ikaw naman kase e. Masyado kang mayabang. Kung makaasta kang putangina ka para kang diyos na kayang kaya mo gawin ang lahat. Inagaw mo pa sa’kin si Diana na parang nanguha ka lang ng pantalon sa sampayan ng bahay namin.” Si Albert.

“At ito namang de-putang ito. Sumama ka naman agad. Tangina ka titirahin ka lang naman nang titirahin nyan ano sa tingin mo? Papakasalan ka nitong si Eric? Puta ka!” Muling napaiyak si Diana matapos syang duraan sa mukha ng dating katipan.

“Albert. Kaibigan kita.” Hindi na halos makapagsalita si Eric dulot ng pinagsamang takot, sakit at galit. Wala syang kalaban laban ng mga oras na iyon.

“Dalawang milyon Eric. Dalawang milyon ang ibabayad sa’min ng Bad Joker’s na paghahatian namin ng kaibigan kong si Ruben. Isa lang ang maaari ninyong gawin sa mga oras na ito. H’wag kayong mamamatay.” Ngumisi si Albert at kumuha ng dalawang heringilya sa lamesa, at tinurukan nya ang magkatipan ng droga.

***

Dahan-dahang iminulat ni Eric ang kanyang mga mata, at nilingon nya ang nakayakap na katabi. Ang dalawa ay nasa isang magarang kuwarto na bagama’t hindi matandaan ng lalaki kung papaano sila napunta roon ay hindi na para problemahin nya pa. Ang importante, buhay sila.

“Diana?”

“Eric.”

Isang hindi matawarang ngiti ang nakita ni Eric mula sa kanyang katipan habang nakahiga sa kanyang tabi at nakayakap. Pakiwari nya’y panaginip lamang ang nangyari noong nagdaang gabi. Mariin nyang hinagkan sa noo ang katipan bago mahagip ang isang imahen mula sa sulok ng kanyang mata.

At noo’y tuluyan nang gumuho ang namumuo na sanang pagasa sa dibdib ng dalawa.

Dahil sila’y tahimik lamang na tinititigan, ng lalaking nakapula.

Wakas

Juan Bautista

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s