PUBLISHED AUTHOR KA BA?

publish

PUBLISHED AUTHOR KA BA?

“Published Author, ang manunulat na yan ay isang Published Author.”. Malimit ko madinig o mabasa ang ganyang mga pahayag patungkol sa isang manunulat. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang Published Author? Para sa’kin simple lang naman ang ibig sabihin nito, isang manunulat na may libro o akdang nailimbag na. Oo, tinagalog ko lang.

Para kasi sa iba, lalo na sa mga nangangarap makahawak ng isang libro na sya ang may-akda, hindi sila magiging isang Published Author hangga’t hindi sila napupusuan ng isang Publisher. Mas mabuting sabihin, Traditional or Big Publishers. O sikat na Publishing Company ng mga magasin, dyaryo at libro. Ito yung mga Publishing Companies sa atin na makikita at mabibili natin ang kanilang mga Published Titles sa malalaking bookstores gaya ng NBS.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit naghahangad ang iba na matawag na Published Author. Ano ba ang pinagkaiba mo sa ibang manunulat kung sakali? Mayroon ding iba na bantulot tawagin ang kanilang mga sarili na Published Author sa kadahilanang may ilang beses na silang na-reject ng mga pinagpapasahan nilang Publishers. At napagdesisyunan nilang mag self-publish na lang ng kanilang mga akda. Ang solusyon dyan? Simple lang din. Tanggalin nyo yung “Published” at tawaging ang inyong mga sarili na Author o Manunulat. Tapos.

Ayos na? Author ka na? ngayon, dumako na tayo sa isang mas masalimuot na kabanata nang pagiging isang Manunulat. Ang mag-publish.

Traditional Publishing, kapag ang iyong libro ay tradionally published, ibig sabihin, nagpasa ka ng akda sa isang publisher upang basahin nila, busisiin, ipa-imprenta at ikalat sa merkado. O kaya naman, kung sikat ka nang manunulat, silang mga Publisher na din mismo minsan ang lalapit sa iyo. Maaari kang bayaran para sa Royalty, tapos may porsiyento ka sa sales. Kadalasan nga may advance payments pa sila para sa mga manunulat.

Ito ang ilan sa mga “advantages” para sa isang manunulat kapag Tradionally Published ang libro:

* Mas malawak na Marketing Sales
* Book Promotions at Book Signings
* De-kalidad na pag iimprenta ng iyong libro (hindi lahat)
* Lahat ng unang nabanggit, trabaho ng Publisher yan. Kaya kapag pinal na nakasali sa mga ilalabas nilang titles ang libro mo. Petiks ka na lang muna at hintayin ang release nito.

Self-publishing, mapa-pisikal na libro, eBook o sa web, basta’t inilabas mo ang isang akda na maaaring mabasa o mabili ng mga mambabasa. Self-publisher ka. Mula sa pag-eedit, proofread, imprenta hanggang pagbebenta ng libro mo, trabaho mo lahat. Sa’yo lahat nakasalalay ang magiging resulta ng lahat.

Mga “advantages” kapag self-published ang iyong libro:

* Kontrolado mo ang lahat. Pwede kang makipagusap sa isang editor o proofreader at makipagtawaran sa presyo para sa kanyang serbisyo dahil ikaw, syota mo o nanay mo ang magbabayad.
* Kung talagang kating kati ka na na i-publish yang akda mo, walang pipigil sa’yo. Hindi mo na kailangan pang maghintay ng ilang buwan.
* Limitado ang marketing, kaya’t depende din sa tiyaga, diskarte at kapal ng mukha mo kung bebenta yang libro mo.
* Para sa Royalties, lalo na kung magkakaroon ng Film Adaptation ang libro mo. Solong-solo mo lahat. Ikaw ang primerong hihingan nila ng permiso. Ikaw ang kakausapin nila. Ikaw ang liligawan nila. Kahit presyuhan mo pa ng sampung milyon yan, wala silang magagawa dahil karapatan mo ‘yon.

Para sa mga nagbabalak mag self-publish, ilang mga payo:

Una, bilang self-publisher, h’wag umasa na tatanggapin ng malalaking bookstores ang libro nyo para ibenta. Hindi ko sinasabing imposible, pero mahirap. Kaya naman bukod sa paperbacks, maglabas din kayo ng eBook version ng inyong mga libro. Ang eBook hindi mauubos, laging available. At kahit nasaang lupalop ng daigdig ang mambabasang gustong umiskor basta may Internet, maaaring ma-download ang eBook mo.

Ilan sa mga kilalang self-publishers ay nag-umpisa sa eBook selling. Karamihan ng self-published eBooks ay mabibili sa Amazon Kindle, Scribd, iBooks at iba pa. Ang manunulat ng Fifty Shades of Grey na si E.L James ay nag-umpisa bilang publisher sa Kindle bilang si “Snowqueens Icedragon”.

Pangalawa, bilang self-publisher ay isaalang-alang din natin ang bibitiwang salapi. Gaya ng nabanggit ko, hindi madaling makipagusap sa isang malaking bookstore para itulak nila ang iyong libro. Pero nasasaiyo na yon kung gusto mong magtambak ng isanlibong piraso ng libro sa bahay mo.

Pangatlo, alam kong bilang normal na tao ay madami kang kaibigan at kamag-anak. Pero h’wag mong aasahan ang isandaang porsyento ng kanilang suporta. Una, hindi naman lahat ng ‘yan ay mahilig magbasa. Kaya h’wag sasama ang loob kapag hindi sila bumili ng libro mo. Minsan nga, bibigyan mo na sila ng kopya para basahin pero hindi pa din nila nababasa kahit ilang buwan na ang lumipas. Ayos lang yon mga tol.

Pang-apat, hangga’t maaari ay maghanap ng tao na may kredibilidad bilang manunulat o mambabasa para basahin ang iyong akda bago mo ito ilimbag. Hindi sapat ang lumapit ka sa isang artista o basketbol player at kuhanan mo ng litrato habang hawak-hawak ang libro mo.

Panlima, sa panahon ng Social Media, h’wag mong ibabase sa dami ng “followers” mo ang ipapa-imprenta mong kopya ng libro. Kung ang isang sikat na manunulat ay may halos walong milyong tagahanga sa kanyang Facebook Fanpage, hindi ibig sabihin noon ay may apat hanggang limang milyong libro nya ang nabili. Sana nga, ganoon karami pero hindi naman siguro.

Sabihin natin halimbawa, na sa bawat kopya ng kanyang libro na mabibili ay mayroon siyang 25 pesos na kita (halimbawa lang), kung isang milyon lang sa walong milyon niyang tagahanga ang bibili ay magkakamal sya ng humuhulagpos na 25 Million pesos.

At ang panghuli, h’wag panghihinaan ng loob. Hindi madali at “mura’ ang magpalimbag ng libro. At hindi din madali ang magbenta. Sulat lang ng sulat, basa lang ng basa.

Ang pinaka importante, maging isa ka man sa mga pinakamahuhusay at kilalang manunulat o hindi, o alikabukin sa tukador ang iyong mga libro, h’wag mong kakalimutan na sa bawat letrang iniambag mo, Literatura ang nagpapasalamat sa’yo.

Bilang manunulat, nasa iyo ang desisyon kung ano ang tatahakin mo.

-JB

 

Advertisements

2 Replies to “PUBLISHED AUTHOR KA BA?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s