Book Review: RESPONDE ni Norman Wilwayco

Responde

Rating: 5 of 5 Stars

Matagal na kong tagahanga ni Norman Wilwayco. Sobrang tagal
na.Regular ko binibisita mga websites at facebook page niya. At sa
totoo lang, malaki ang impluwensiya sa’kin ng taong ito pagdating sa
pagsusulat sa wikang Filipino.

Responde! Dumiskarte ako ng ebook format sa BUQO. Binasa ko ng isang araw lang habang nakasaksak yung ipad ko dahil malapit nang ma- lowbatt (mabagal talaga kasi ko magbasa).

Ang trip na trip ko sa istilo ni Norman Wilwayco, para niya kong
kinukuwentuhan habang nagkakape’t yosi lang kami sa kalsada. May mga sipi na kapag binasa mo makakabuo ka talaga ng imahen. May kakayahan si Wilwayco na dalhin ang kanyang mambabasa sa tagpo ng kanyang kuwento.

Wala akong hindi nagustuhan sa koleksyong ito. Dahil lahat ng
kuwento ay tumatalakay sa iba’t ibang kaganapan na normal na
nagaganap sa kalye. Dahil sa totoo lang, isa sa mga paborito ko
talagang tagpo sa isang istorya lalo na kung akdang Filipino ay sa
kalye.Dahil ang ‘Kalye”, hindi nauubusan ng kuwento.

Mapa-simple man o kumplikado, sa istilo ng pagsusulat ni NW,
nagkakaroon ng kulay at kasaysayan kahit isang kuwento pa yan ng
isang uhuging utusan na dumayo sa iskinitang naghahari ang mga tulak at adik. Hindi din n’ya ipinagkakait sa kanyang mga mambabasa ang oportunidad na kusa nilang buksan ang kapangyarihan ng kanilang imahinasyon, dahil hindi s’ya masyadong detalyado sa mga eksena. May ibang manunulat na ang akda nila ay mistulang telebisyon dahil sa paraan nang pagtatahi nila ng mga salita, parang nanunood na lang ang mambabasa. Hindi ganoon ang mga akda ni Norman. Kaya naman kakaiba talaga ang mga libro n’ya.

Mondmanila, Responde at Rekta. Wasak! Ang ‘Gerilya’, isa sa mga
babasahin ko ngayong taon.

Suportahan natin ang mga akdang Filipino. Basahin ang mga libro ni
Norman Wilwayco! \m/

– Juan Bautista

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s