Dehadista

dehadista

“Dehadista”

Liyamado o Dehado? Kanino ka pupusta? Ito ang kadalasang tanong sa atin sa tuwing kailangan nating mamili sa pagitan ng dalawa o ilan sa tuwing mayroong kumpetisyon o patimpalak. Laging may liyamado, at laging may dehado. Sa pagitan kasi ng dalawang kalahok o kuponan na nakatakdang magsagupa, nasasapantaha na natin kung sino ba ang mas nakalalamang base sa estado nito bago pa man ang mismong bakbakan. Boksing, Basketbol, Kantahan, Sayawan lalo na sa Sabungan. Mayroon tayong tinatawag na liyamado at dehado.

Tayong mga Filipino ay likas na maawain at matulungin. Kilalang kilala tayo pagdating sa usaping ‘yan. Kahit wala pa noong Social Media. Naalala ko tuloy nung Highschool pa ko, may nagsapakan sa sementeryo, “Sige Rolly! Bugbugin mo yan.” Sigaw ng mga maderpakers na nanonood. Si Rolly, yun yung kupal na siga sa eskuwelahan namin noon. Matanda na kasi tila beinte-tres na ang walanghiya e second year highschool lang kami non. Tapos nabigla na lang ako nang biglang umbagin ni Bimbo si Rolly, matapos non sunud-sunod nang tumulong yung mga miron at pinag-gugulpi si Rolly. Habang naglalakad kami pauwi ay tinanong ko si Bimbo kung bakit nya ginawa yon. Ang sabi nya, “nakakaawa kasi pre.”

Sa isang “Reality Contest” naman, siguro minsan nyo na ding naitanong sa sarili nyo o sa katabi nyo, “tangina ito ba dapat talaga ang mananalo? Mas magaling yung isa a!”. H’wag na kayo magtaka lalo na kung “text votes” ang pinagbabasehan nyan. Malamang yung magaling na isa, may-kaya sa buhay o hindi nakakaawa. Tapos yung isa tagpi tagpi lang yung bahay. E sino ba naman ang hindi maaawa di ba? Natural ipapanalo natin si nakakaawang contestant. H’wag nyo naman sana masamain, hindi naman ako yung tipo ng taong walang konsensya para sa kapwa pero minsan kasi, hindi din tama. H’wag nating kakalimutan na lahat ng kalahok sa isang patimpalak ay nangangarap. Mayaman man o mahirap. At kadalasa’y ito din ang pinag-uugatan nang walang kasusta-sustansyang argumento sa pagitan ng magkabilang kampo hanggang sa magsumpaan at magmurahan na ang mga ito.

Sa totoo lang, may malaking papel din sa ating kasaysayan bilang mga Filipino ang pagiging dehadista natin. Lalung-lalo na pagdating sa Pulitika. Pa’no ko ito nasabi? Kung hindi napatay noon si Sen. Benigno ‘’Ninoy” Aquino, sa tingin nyo ba e mailuluklok si Presidente Corazon Aquino? E sa snap elections nga si Macoy pa din ang nanalo. Kung hindi bumulagta si Ninoy pagbaba nya ng eroplano magkakaroon ba tayo ng EDSA Revolution? Si Pnoy na kasalukuyan nating Presidente, sa pagkakaalam ko e wala naman balak tumakbo ‘yan para sa pagka-presidente noon. Pero anong nangyari? Namatay si dating pangulong Cory at hinikayat sya ng taumbayan na tumakbo bilang Presidente. Hindi ko alam kung bakit, pero bilang alam ng sambayanan na kasalukuyang nagluluksa ang mga anak ng ‘bayaning mag-asawa’, ayun, panalo si Pnoy.

Sadya talaga tayong maawain sa kapwa kaya naniniwala akong isa ang mga Filipino sa mga pinaka-makataong lahi sa mundo. Sa kasamaang palad, alam na alam ito ng mga tarantadong pulitiko kaya naman hindi nawawala sa kanilang mga basurang taktika ang magpa-awa at magpanggap na dehadista.

Laki sa hirap, magbobote na naging Mayor, manginginom na konsehal, dating balasador ng saklaan na naging barangay captain at kung anu ano pa. Napakadaming pulitiko ang naihalal dahil kanilang napagtagumpayan ang pagkuha ng ‘simpatya’ at ‘tiwala’ ng mga mamamayan. Pero anong nangyari? Karamihan sa mga kupal na yan ang lalo pang nagpapahirap at nag-hassle sa bayan. Sila yung mga pinaka-corrupt, sandamukal ang anak sa labas, kabilaang kaso at kung anu ano pa. Pati mga anak nila puta nahawa na.

Sa susunod na taon, 2016, mag-eeleksyon nanaman. Asahan na natin yung mga pulitiko na ipagsisigawan nilang “Inaapi nila ko”, “Pinupulitika lang kami”, “Samahan nyo akong labanan ang mga mapang-api” at kung anu ano pang mga katarantaduhan. Gagawin nila ang lahat kahit humimod pa sa naglalatik mong kili-kili ang mga buwakananginang yan (basta’t may piktyur siyempre!), para makuha lang ang ginintuan mong boto. Para makakuha ng simpatiya sa mga tao. Para muling utuin ang mga dehadistang Filipino.

Anak ng boogie naman parang awa nyo na, mag-isip tayo nang mabuti at makiramdam. Kapag may nagsabi ng “kapag ako nanalo hindi ka na maghihirap” saltikin mo sa lalamunan nang magtanda. Napakahirap mangako pero para sa mga taong ito napakadali lang, bakit? Kasi hindi naman sila sinsero sa mga pinagsasasabi nila. Malakas ang aking pananampalataya na madami pa din tayong matitinong pulitiko, sana lang, mapansin din natin sila.

H’wag kayong maniniwala kapag napanuod nyo sa inyong mga telebisyon ang isang pulitiko na nagpapa-awa. Kung talagang nakakaawa yang hayop na yan walang pambayad para sa advertisement yang tinamaan ng lintik na yan. Ang pakinggan natin yung may mga inilalatag na programa, pakiramdaman at alamin natin kung sino ang sinsero sa kanyang pananalita. Bukod sa nakakaawa at pagiging maawain, madami pang anggulo na maaari nating pagbasehan sa pagpili ng iboboto. Isa na dito ay ang “kaalaman” ng isang kandidato. Nagkaron na tayo ng Senador na dati lamang nagtitimpla ng kape sa city hall. Putangina naman tama na! Hindi naman siguro tayo ganun ka-bobo hindi ba?

Sa bawat sultada sa sabungan, may Liyamado at Dehado, at mas malaki ang patama kapag Dehado ang nanalo. Sa “Sabong”. Pero kung magiging “Dehadista” tayo sa darating na eleksyon, siguraduhin nating karapatdapat mailuklok sa puwesto ang mga ito. Dahil kapag muling pumalpak, mas malaki ang “tama” natin panigurado.

-JB

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s