“BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia”
ni Juan Bautista
I – Guilty
Apat na oras na lamang ang nalalabi, at bibitayin na si Juanito. Siya ay hinatulang “Guilty” sa kasong ‘rape’ at ‘murder’ magdadalawang taon na ang lumipas. Si Juanito Zamora ay ang pinaka kadusta-dustang kriminal sa kasalukuyan, ang kanyang biktima ay walang iba kundi si Elizabeth Valencia. Ang pinakatanyag na artistang babae ng bagong henerasyon. Kaya naman milyun-milyon ang nakatutok sa telebisyon ngayong araw upang masaksihan ang kauna-unahang pagbibitay sa Pilipinas na bukas sa publiko upang panoorin sa pagasa ng gobyernong wala nang isa man ang gugustuhing matulad pa kay Juanito. Naniniwala ang marami na sa pamamagitan ng bitay ay mababawasan, o mas mabuting tuluyang nang maglalaho ang krimen sa buong bansa.
Si Elizabeth “Eliza” Valencia ay hindi lamang isa kundi apat na magkakasunod na taon na hinirang bilang pinakamagandang babae sa buong Pilipinas. Siya ay dugong Filipino – Espanyol. Humigit kumulang dalawampung pelikula na ang kanyang nagawa na halos wala kang hindi magugustuhan kahit isa sa mga iyon. Bilang ang mala-anghel na mukha pa lamang ni Eliza Valencia ay sapat na upang ang mga manonood ay tumitig lamang sa sinehan ng dalawang oras. Ang mga manliligaw nito’y parang mga mandirigma na handang lumaban ng patayan anumang oras upang makamit ang kanyang ginintuang ‘Oo’. Artista, Direktor, Negosyante, Pulitiko at marami pang iba ang baliw na baliw sa beinte y uno anyos na diyosa. Isa na dito’y ang taksi drayber na si Juanito Zamora.
Simula nang malaman ni Juanito kung saan nakatira si Eliza ay walang araw na hindi ito dumaan sa pagnanasang masulyapan ang kinababaliwang artista. Ang matanaw lamang ang babae mula sa bintana ng sasakyan nito bago pumasok sa garahe ay kumukumpleto na sa araw ni Juanito. Isang hapon, ay tinamaan din ng swerte si Juanito. Habang nakaparada sa ‘di kalayuan ay kitang kita niyang tumirik ang sasakyan ni Eliza pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng tarangkahan. Kakamut-kamot lang sa ulo ang bagitong drayber ng babae na halatang walang alam pagdating sa makina, kaya naman sinunggaban na ng nanginginig-nginig pang si Juanito ang pagkakataong makalapit sa sinasambang diyosa.
-Mam. Ano pong problema?
-Nako kuya. Ito po biglang tumirik ang sasakyan ko. Mahuhuli na ko sa guesting ko nito. Magagawan niyo po ba ng paraan?
-Mam. Napigtas po ang pump belt at may kailangan din palitang piyesa dito sa makina ninyo.
-Nako. Kuya sasakay na lang ako sa taxi mo at mahuhuli na po talaga ‘ko alas kuwatro ang call time namin e alas tres y medya na.
-Sige po mam. Pare, tawagan mo nalang ang mekanikong ito, magbilin ka na din ng pump belt.
At unti-unting nang nawala sa paningin ng naiwang drayber ang pinakamasuwerteng taksi sa balat ng lupa.
-Mam. Sandali lang ho hindi ko na talaga matiis itatabi ko lang ho muna ang sasakyan.
-Sige po pakibilisan na lang po ang pag ihi late na po talaga ‘ko.
Nang makarating sa bandang likod ng taksi ay agad dinukot ni Juanito ang kanyang panyo at isang maliit na botelya…
II – Ang kuwento kung paano ko isikinatuparan ang mga pangarap ko
Ikaapat ng Pebrero, 1994. Alas-singko-kinse ng hapon.
Nakatitig lang ako kay Eliza habang payapa siyang natutulog sa kama. Napakaamo ng mukha nito. Habang mahimbing na natutulog ay hinagkan ko ang mata niyang nakapikit. Sinimsim ang napakabango niyang buhok. Hinaplos ang makinis niyang balat. At ako’y muling bumalik sa aking upuan at muling lumagok ng alak at tumitig sa napakagandang tanawing iyon. Kasama ko si Emil. Ang aking kaibigan.
Wala naman akong balak na saktan talaga si Eliza. Pero habang napapadami ang inom namin ng alak at naguumpisa nang umepekto ang droga sa aking utak, nakakalimutan ko na ang lahat-lahat maliban sa isa. Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Kapag naangkin ko nang tuluyan si Eliza, maaari na kong mamatay. Sinadya ko siyang gisingin para alamin kung matatakot ba siya sakin. Ang sabi ko “Eliza ‘wag kang matakot. Hindi kita sasaktan.”, pero bigla niya kong pinagsasampal at nagtitili siya ng walang humpay. Tapos bigla ko na lang narinig si Emil mula sa likuran. “Putangina patahimikin mo nga yan! Andami mo pang pasakalye ako nang unang kakantot diyan!” sigaw ni Emil. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pala talaga kayang saktan si Eliza. Mahal ko siya.
Bigla akong sinalya ni Emil at sinikmuraan niya ang mahal kong si Eliza. Pinagpupunit niya ang damit nito at tumambad sa amin pareho ang nakababaliw na katawan ng mahal ko. Sinubukan ko siyang pigilin pero may hawak siyang baril at itinutok ito sa ‘kin. “Huwag mo kong papakialaman babarilin talaga kita putangina ka. Maghintay ka lang diyan titirhan kita ‘wag kang mag-alala.”
Kitang-kita ko ang mga kahayupang pinaggagawa ni Emil. Dinilaan niya ang buong katawan ni Eliza mula bumbunan hanggang talampakan. Halinhinan niyang sinususo ang magkabilang dibdib nito na parang asong ulol habang sinasaruso ng mga daliri niya ang nagdurugo nang ari nito. Kapag nagsawa na siya sa kakasipsip sa mga dibdib nito ay sisibasib naman ang dila niya sa loob ng bibig ng mahal kong si Eliza habang patuloy na nilalamas ang mga suso nito. Si Emil ay isang hayop.
Putangina niya hindi siya tao! Walang magawa ang mahal kong si Eliza kundi ang lumuha lang ng lumuha dahil batid kong namamanhid na ang buo niyang katawan sa maya’t mayang pagturok ni Emil ng heroine sa braso niya. Nakailang turok din si Emil ng injeksyon sa sarili pero imbes na manghina ay lalo pa siyang lumalakas. Lalo pa siyang nagiging hayop. Lalo pa siyang nagiging demonyo. Napasigaw ako, “putangina Emil tama na!” matapos niyang kagatin ang puwitan ni Eliza. Napahiyaw sa sakit ang mahal ko habang pinipilit siya patuwadin ng putanginang si Emil.
-Putanginang ‘to ang sarap. Wooo! Ganito ang tamang pagkantot ng babae Juanito. Ito ang tinatawag na kantot-jackhammer!
Humahagulgol na’ko sa sulok. Wala kong magawa. May isang oras ko na din sigurong hawak-hawak sa leeg yung bote ng alak. Ihahambalos ko sa ulo ni Emil. Iyon ang plano ko. Iyon ang plano ko may isang oras na ang nakakalipas pero hindi ko magawa. Duwag ako. Ako ang pinakaduwag na nilalang sa kasaysayan ng tao. Binababoy ni Emil ang mahal kong si Eliza pero wala akong magawa.
-O ikaw naman. Sampung minuto ka lang ha magpapahinga lang ako sandali. Wooo! Putangina. Eliza Valencia putangina mo si Emil Carreon lang pala makakauna sayo!
Hindi ko ginalaw si Eliza. Humagulgol lang ako ng sampung minuto habang yakap-yakap ko siya. “Diyos ko patawarin Niyo ko. Eliza patawarin mo ko. Eliza mahal kita!”
-Tama na yan, putanginang to! Kung ayaw mo huwag mo! Lumayas ka nga diyan.
At muling ibinaba ni Emil ang kanyang pantalon at muling nagpasasa sa katawan ni Eliza. Iyon ang pangalawa sa anim na beses na pambababoy niya sa aking mahal…
III – Emil Carreon
Mag-aalas-onse na ng gabi ay hindi pa din makatulog si Inspector Ismael Garcia. Bukas ay bibitayin na si Juanito Zamora. Milyun-milyong Pilipino ang nagbantay sa kaso ni Eliza Valencia. Milyun-milyon din ang naghintay sa takdang araw ng pagbitay kay Juanito Zamora. At muling nagbalik tanaw ang pulis. Muli niyang inalala ang araw ng pagkaka-aresto kay Juanito Zamora. Ang pinakademonyong kriminal sa kasaysayan ng bansa.
“Walang kikilos mga pulis kami!” sigaw ni Ismael matapos tadyakan ang pintuan ng inuupahang bahay ni Juanito. At siya ay agad pinanayuan ng balahibo nang makita ang nakahandusay na si Eliza Valencia. Wala na itong buhay. Naliligo ito sa sariling dugo at dilat ang mga mata.
“Emil mga parak!”. Sigaw ni Juanito at agad siyang sinunggaban ng mga pulis. Si Juanito Zamora ay naaresto magdadalawang araw matapos ang pagkawala ni Eliza. Tumestigo ang drayber ng artista at sa pamamagitan ng plate number at tatak ng taksi ay natunton ng mga alagad ng batas ang pamamahay nito.
Masidhing galit at kilabot ang naramdaman ni Ismael matapos mabasa ang buong testimonya ni Juanito Zamora. Ngunit ito ay isang testimonya na nagdidiin sa isa pang karakter ng kasong ito, kay Emil Carreon na diumano’y kaibigan ni Juanito. Ipinagpipilitan ni Juanito na ang gumahasa at pumatay kay Eliza Valencia ay si Emil na tagaroon din lang sa karatig baryo na kasalukuyang nakikitira sa inuupahan ng suspek. Subalit wala silang nakitang Emil. At wala ding sinumang nakakakilala kay Emil sa buong lugar nila Juanito. Walang nakatirang Emil Carreon sa lugar na iyon. Iyon ang pahayag ng halos lahat ng pinagtanungan nilang kapitbahay ni Juanito na halos lahat ay magkakakilala. Sa katunayan ay si Juanito lamang ang dayo sa baryong iyon.
Walang Emil Carreon. Iyon ang nasa isip ng mga alagad ng batas. At napagtanto nilang may problema sa pag-iisip si Juanito. Baliw ito. Malamang sa sobrang kaadikan sa shabu at heroine ay tuluyang nang naapektuhan ang utak nito. Naniniwala si Ismael Garcia na si Juanito Zamora ay mayroong ‘split-personality’, si Emil Carreon ay isa lamang imahinasyon. Ang kanyang kabigang madalas makasama at makausap ay isa lamang imaheng dulot ng halusinasyon.
Hindi maaaring lumabas sa media na si Juanito Zamora ay isang baliw. Kailangan niyang mabitay. Iyon ang dapat. Iyon ang hangad ng mga nagmamahal kay Eliza. Iyon ang dapat upang mabigyan siya ng hustisya. Wala nang nagawa pa si Ismael sa usaping iyon. Bitay ang kagustuhan ng mga nakatataas. Baliw man o hindi, si Juanito Zamora ay isang demonyo. At kailangan niyang mamatay upang matahimik na ang nagmamakaawang kaluluwa ni Eliza Valencia…
IV – Hustisya
Walang saplot, sunog ang buhok, may nakatarak na screw driver sa kanang bahagi ng pigi, tadtad ng turok ng injection ang magkabilang braso, at nang suriin ng doktor ang kanyang ari, napagtantong hindi lamang ari ng lalaki kundi iba’t ibang klase pa ng matitigas na bagay ang ipinasok sa pagkababae ni Eliza Valencia. Tinatayang lagpas beinte-kuwatro oras nang patay ang babae nang matagpuan ng grupo ni Inspektor Ismael Garcia.
Sa loob ng kuwartong iyon na punumpuno ng larawan ni Eliza na nakadikit sa dingding, nahuli nila si Juanito Zamora. Nangangatog-ngatog pa ito sa isang sulok hawak ang isang injeksyon na nakaumang sa braso nitong buto’t balat. “Emil mga parak!” at agad nila itong sinunggaban.
Enero a-dos, 1996
Alas-dos impunto. Binitay na si Juanito. Si Juanito Zamora ang kauna-unahang binitay sa kasaysayan ng Pilipinas na kung saan ay natunghayan ng buong bansa mula sa pagkakaupo nito sa silya-elektrika hanggang sa ito’y mangisay at tuluyan nang malagutan ng hininga. Ang karamihan ay nagdiwang, ang ilan ay nagdasal na nawa’y hindi na mauulit pa ang ganoong klase ng karumaldumal na krimen, ang iba ay pawang nagsisisi kung bakit ba nila pinanood pa ang pagbibitay na iyon sa kanilang mga telebisyon. Ang hustisya para kay Eliza Valencia ay ganap na. Sumalangit nawa, ang kanyang kaluluwa.
V – Si Ariel Veracruz
A-uno ng Pebrero, 1994
Habol-hiningang huminto si Ariel sa pagtakbo kasabay ng paglingon sa gawing likuran. Wala na ang mga humahabol sa kanya. At naupo siya sa likod ng isang guhong gusali upang saglit na magpahinga.
Kailangan niyang tumakas. Kailangan niyang iwanan ang lugar na kinalakhan. Pansamantala man o pang-habambuhay, ang importante’y manatili siyang malaya. At agad niyang pinara ang nagdaang taksi magmula sa likuran.
-Boss san tayo?
-Basta paandarin mo lang ang sasakyan. Taga-san ka ba?
-Santa Clara boss.
-Mag-karatig baryo lang pala tayo. Pero wala kong balak umuwi. Siyanga pala, wala akong maipapambayad sa’yo. Pero meron akong dala, kung okey lang naman sa’yo.
“Nako boss. Matagal-tagal na din ho akong hindi nagsha-shabu. Gradweyt na ho ako diyan. Pasa-pasada na lang. Wala pang sabit.” Sambit ni Juanito habang nakatuon ang tingin sa kalsada.
-Pare hindi ‘to shabu. Heroine ‘to. Tatapatin na kita, tulak ako pare. Nagtatrabaho ko sa isang malaking sindikato. Medyo mainit nga lang ngayon kaya kailangan namin mag-laylo. Kailangan ko ng matutuluyan pansamantala. Wala ‘kong pera ngayon dito pero pinapangako ko sa’yo walang isang linggo magbubuhay hari ka kasama ko. Daang-libo halaga ng epektos na nandito sa bag ko. Ano pare matutulungan mo ba ko?
Lingid sa kaalaman ni Ariel ay kanina pa hindi mapakali si Juanito nang makita ang drogang inaalok ng una. Regular na gumagamit ng ‘shabu’ ang taksi drayber na si Juanito. “E pare. Hindi ako basta-basta nagtitiwala kung kani-kanino. Saka maliit lang yung inuupahang bahay ko. Kuwarto nga lang iyon kung tutuusin.”
-Pare adik ka. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa sasakyan mo’t makita yang mala-kahoy na mukha mo, pasitib ka tol. Sige, kung ayos lang sa’yo tara sa haybol mo subukan mo muna ‘tong epektos ko.
Hindi agad nakasagot si Juanito. Ngunit habang papalapit sila ng papalapit sa Santa Clara ay unti-unti nang nanginginig ang hawak niyang manibela. At bigla niyang pinabilis ang takbo ng sasakyan.
-Putangina. Sige pare tirahin natin yan hindi ko na kaya. Putangina mo! Ano nga pala pangalan mo.
-Yown! Yan ang sinasabi ko. Hindi ka magsisisi pare. Ariel nga pala.
-Ha?
-Ha? e.. Emil! Emil Carreon pare.
***WAKAS***
-Juan Bautista