Book Review: DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista

Desaparesidos

Rating: 5 of 5 Stars

Sinasabi ko na nga ba hindi ako nagkamali. Kalagitnaan pa lang ng librong ito ni Lualhati Bautista alam ko na na ito ang magiging paborito ko. 5 Stars!

“Pero sa gitna ng larangan, patuloy ding nasala ang mga tunay at huwad; naihiwalay ang binhi sa ipa. Bumaba at umuwi ang mga hindi nakatagal, o lumabas at sumuko, humalik sa paa ng kaaway. Naiwan ang mga butil na ginto para patuloy na itanim at payabungin ang binhi ng pagka-makabayan. Umabot sa sampung libo ang bilang ng mga biktimang ikinulong, ginahasa, nawala, at pinatay.”

Isa lang ang sipi na yan na nagawang buksan ang makapangyarihan kong imahinasyon bilang mambabasa.Sa istilo ng pagsasalaysay, brutal, makatotohanan, malalim at nag-iiwan ng ‘trauma’ sa nagbabasa. Walang pasubali, kung galit ang karakter, natural na magmumura siya dahil kasumpa-sumpa naman talaga ang mga pinaggagawa ng mga militar sa kanila. Para sa’kin ito ang libro ni Lualhati na pinaka punumpuno ng damdamin.

Ito ang libro na kung saan ay kinakailangan mong huminto pansamantala sa pagbabasa upang tumitig sa dingding ng iyong kuwarto at bumuo ng imahen upang mapanood ng aktuwal ang isang eksena.

Wala akong pakialam sa ‘taglish’ dahil sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako naaasar. May ibang libro ako na nabasa na nagta-taglish din ang manunulat pero makakaramdam ka ng disgusto. Maaaring hindi nababagay siguro sa akda. Pero kapag si Lualhati ang bumanat ng taglish (siguro may karapatan naman siya bilang Palanca Awardee) ay walang probelam sa’kin. Sa’kin lang naman. 🙂

5 Stars din sa’kin ang Gapo pero ito talaga ang ‘da best’ Lualhati book para sa’kin. Darating ang araw at muli ko itong babasahin.

– Juan Bautista

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s