
Rating: 5 of 5 Stars
Sinasabi ko na nga ba hindi ako nagkamali. Kalagitnaan pa lang ng librong ito ni Lualhati Bautista alam ko na na ito ang magiging paborito ko. 5 Stars! Continue reading “Book Review: DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista”

Rating: 5 of 5 Stars
Sinasabi ko na nga ba hindi ako nagkamali. Kalagitnaan pa lang ng librong ito ni Lualhati Bautista alam ko na na ito ang magiging paborito ko. 5 Stars! Continue reading “Book Review: DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista”

“Nuisance”
ni Juan Bautista
I
-“Tol tatakbo ka daw sa pagka-Presidente? Lakas din
ng trip mo e no. Pagtatawanan ka lang tol. Nuisance
ka kasi.”
-“Nuisance? Ano yon?”
-“Tamo ka. Ni hindi mo alam tapos tatakbo ka. Panggulo,
pang-asar, kupal, kamote, bobo etsetera. Continue reading “Nuisance”

THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition
Mga de-kalibreng baril, mobile phones, mamahaling alak, pera at kung anu-ano pang mga bagay na hindi mo maiiisip na magkaroon sa piitan. Yan ang mga nahuli sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Bureau of Corrections sa ilang dormitoryo ng New Bilibid Prison, na kung saan ilan sa mga nakakulong ay mga drug lords at high profile convicts. Continue reading “THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition”

Juan Bautista’s
ANG BAGONG KRUSADA
(Novella)
Kabanata I: Santa Maria
“Sa kasalukuyang panahon ay sino pa nga ba ang ating masasandalan laban sa imoralidad at kasakiman? Mga magnanakaw na pulitiko? Mga buwayang pulis at opisyales ng militar? Hindi nga ba’t malimit ay sila ang mga demonyo na nag-anyong tao sa lupa? Oras na upang muling magsanib ang Krus at Espada. Nalalapit na ang oras na kung saan isang digmaang pandaigdig ang muling magaganap. At sa pagkakataong iyon, ito ay kikilalanin sa kasaysayan bilang Banal na Digmaan, Relihiyon laban sa Relihiyon, Pananampalataya laban sa Pananampalataya, Diyos laban sa Diyos. Oras na upang bumangon sa mahabang pagkakahimbing… Ang Bagong Krusada.” Continue reading “Ang Bagong Krusada (Novella)”
“SITIO HARANGAN”
Maikling Kuwento ni Juan Bautista
“Nay. San ho tayo?”
Sa wakas ay nakahanap din ng pasahero si Kardo. Sa itinagal-tagal ng kanyang paghihintay sa tapat ng Mercury Drug sa San Jose highway ay may lumapit din sa kanya. Subalit bantulot syang ihatid ang mag-lola nang sabihin ng mga ito kung saan ang kanilang tungo. Continue reading “Sitio Harangan”
“Masdan mo ang mga bata”
Nung nakaraang mga araw, binaha ng larawan ng isang batang wala ng buhay sa dalampasigan ang Facebook at Twitter. Ayon sa kasabihan, “A picture is worth a thousand words”, pero nang makita ko ang larawan, daandaang emosyon ang aking naramdaman. Mahilig kasi ako sa bata. Kahit nuon pa, kadalasan noong isa pa ‘kong matagumpay na tambay’, uupo lang ako sa tapat ng bahay namin tuwing hapon at pinapanood ang mga batang naglalaro habang nagyo-yosi at kape. Continue reading “Masdan mo ang mga bata”
“Dehadista”
Liyamado o Dehado? Kanino ka pupusta? Ito ang kadalasang tanong sa atin sa tuwing kailangan nating mamili sa pagitan ng dalawa o ilan sa tuwing mayroong kumpetisyon o patimpalak. Laging may liyamado, at laging may dehado. Sa pagitan kasi ng dalawang kalahok o kuponan na nakatakdang magsagupa, nasasapantaha na natin kung sino ba ang mas nakalalamang base sa estado nito bago pa man ang mismong bakbakan. Boksing, Basketbol, Kantahan, Sayawan lalo na sa Sabungan. Mayroon tayong tinatawag na liyamado at dehado. Continue reading “Dehadista”
“Gubat”
Juan Bautista
Nagtungo ako sa Malacañang upang makausap ang kasalukuyang Presidente, subalit tinitigan lang ako ng ilang oras ng isang dambuhalang elepante
Nagbakasakali sa Kongreso upang isangguni ang mga hinaing ng mga kapwa kong hayop, ngunit pinaligiran lang ako ng mga naglalaway na leon at tigre Continue reading ““GUBAT””
“TAGABANTAY”
MEDIA. Diyaryo, radyo, telebisyon. Lahat yan, Media. Gaano nga ba ka-importante ang Media? Kung wala ang media, walang balita, kung walang balita, ibig sabihin ay walang “tagabantay”. Ang isa pang tanong, tagabantay ng ano? Continue reading “TAGABANTAY”

“BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia”
ni Juan Bautista
I – Guilty
Apat na oras na lamang ang nalalabi, at bibitayin na si Juanito. Siya ay hinatulang “Guilty” sa kasong ‘rape’ at ‘murder’ magdadalawang taon na ang lumipas. Si Juanito Zamora ay ang pinaka kadusta-dustang kriminal sa kasalukuyan, ang kanyang biktima ay walang iba kundi si Elizabeth Valencia. Continue reading “BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia”