“GUBAT”

Gubat

 

“Gubat”
Juan Bautista

 

Nagtungo ako sa Malacañang upang makausap ang kasalukuyang Presidente, subalit tinitigan lang ako ng ilang oras ng isang dambuhalang elepante

Nagbakasakali sa Kongreso upang isangguni ang mga hinaing ng mga kapwa kong hayop, ngunit pinaligiran lang ako ng mga naglalaway na leon at tigre

Binisita ang kampo habang umaasang masaksihan ang pagmamartsa ng mga magigiting na sundalo, ang inabutan ko’y mga nanginginig na kuting na nakatingala lamang sa kisame

Dumaan sa simbahan upang mangumpisal kay padre, at ako’y nagimbal nang abutan ang duguang kabayo na pinuputakte ng mga buwitre

Malapit na kong mawalan ng pag-asa, naway may pumitik sa gabakal na damdamin ng dragong iyon at hindi na ituloy ang pananakop sa bansang ito, sa pamamagitan ng pagbubuga ng apoy mula sa ere

Inikot ko na ang buong kagubatan ng Maynila, subalit kahit isang sisiw ay wala akong nakita, desperado na ‘ko at nawa’y h’wag magpakita sa akin ang mga bibe

Bakit ba kasi ako isinilang na isang buwaya, mabuti pa’y naging ahas na lamang, at katulad ng kahapon, wala nanaman akong maiuuwing pagkain sa aking nagugutom na asawa,

habang ang aming mga supling ay buong giliw niyang ipinaghehele.

-JB

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s