Isang tipikal na hapunan
Ilang henerasyon na ba? Ilang Administrasyon na? Hanggang ngayon, biktima pa rin ng sistema ang mga mahal nating magsasaka. Mabuti pa ang kalabaw, hindi nauubusan ng damo. E ‘yung mga pobreng kaibigan nila? Sa kabila ng araw-araw nilang kaharap ang lupa’t palay, minsan, kailangan pa nilang mangutang ng isang kilong bigas para may maihain sa pamilya. Tapos sasabihin pa ng ibang mga walanghiya, ayos lang ang bansa – Dahil ayos lang sila. Yung mga magsasakang nakikibaka pa nga sa kalye, minumura pa nila. Ito yung mga klase ng taong pakiramdam nila e napakapalad nila sa buhay dahil mas nakaaangat sila sa mga magsasaka. Ang hindi nila alam, halos lahat tayo, nasa ilalim lang din ng kapangyarihan ng mga anay ng lipunan. Continue reading “Isang tipikal na hapunan”