Pusuyan

“Pusuyan”

Kadalasan, ang pagsusulat ng isang tula ay maihahalintulad sa paglalaro ng pusoy. Matapos ang unang bahig ng iyong mga baraha, kinakailangan mo munang titigan iyon nang mabuti bago mo ilatag sa lamesa. Dahil kadalasan, hindi lang isa o dalawa ang bahig ng mga barahang hawak mo.

Hindi ka maaaring sumabak sa larong pusoy kung hindi mo alam ang mga patakaran, limitasiyon at higit sa lahat, ang papel at tungkulin ng bawat baraha. Dahil kapag nagkamali ka ng pagsingit ng isang baraha sa kung saan, wala na. Kabayo na.

Kaya naman sa tuwing nagbabasa ‘ko ng mga tula at kuwento ko, lagi ko na lang naibubulong sa sarili na, “pwede pa pala” o “sana pala, ganito na lang”.

Ganun kaimportante ang kaalaman sa Wika. Dahil magkaiba ang pagbigkas at paggamit ng salita.

Bakit ako maniniwalang kaya kong magsulat at magsalita nang mahusay dahil lagpas tatlong dekada na ‘kong nagsasalita ng Tagalog?

Walang katapusan ang pag-aaral. At Wika ang kapangyarihang mayroon tayong lahat;

kaya huwag tayong papayag na ma-‘pusoy’ ng mga taong walang malasakit at pagpapahalaga sa yaman nating ito.

Advertisement

One thought on “Pusuyan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s