Commuter ka ba? Tara, mag-adjust tayo!

“May solusyon naman doon e. If you want to go, arrive early in your destination, then you go there earlier.”Salvador Panelo

Tama si Panelo! Idol ‘yan e. Bakit ba hindi naiisip ng marami ang simpleng solusyon na ‘yan? Kung alas-otso ng umaga ang pasok mo sa trabaho at na-late ka ngayong araw dahil ala-singko ka umalis ng bahay, e ‘di gawing mong alas-kuwatro ang alis. Gusto mo para mas sigurado, alas-tres. Hindi dahilan ‘yung kulang ka pa sa tulog dahil gabi ka na rin nakakauwi dahil sa sobrang trapik at mahirap sumakay. Tangina, mag-adjust ka! Pwede ring h’wag ka nang matulog. Aba’y letse, kesa paikut-ikot ka sa higaan mo dahil sa kai-isip kung papaano kang makakasakay agad ng dyip o bus habang nakikipagbalyahan sa mga kababayan mong pareho lang ang problema dahil pare-parehas kayong natulog, dahil ipinagsisigawan ng mga utak niyong pagod kayo na kung tutuusin e hindi naman talaga, dahil hindi naman kayo naglakad pauwi, e bakit niyo pa lolokohin ang mga sarili ninyo para matulog? Walang magbabago. Paggising niyo, ganun pa rin ang mga estado ninyo sa buhay dahil mga wala kayong ibang bukambibig kundi “pagod”, “mahal ang pamasahe”, “ang hirap sumakay”, at iba pang mga kaputanginahang hindi naman dapat tutukan ng Gobyerno.

Tapos babanat pa kayo ng sobrang gabi na kayo kung makauwi, hindi niyo na halos nakikita mga anak ninyo dahil tulog na sila pagdating niyo sa bahay? Aba naman! Kasalanan pa rin ba ng Gobyerno ‘yan? Hinde! Kasalanan mo ‘yan! Ang hina mo sigurong dumiskarte sa sakayan ng dyip o bus. Imbes na jiu-jitsuhin mo yung taong naniningit sa ‘yo, aba’y pinapauna mo pa! Ang hina mong nilalang ‘pag hinayaan mong mangyari sa sarili mo ‘yon. Susmaryosep, lahat kayo naniniwalang pagod na tapos magpapauna kayo sa kapwa ninyong pagod? Anong katangahan ‘yan? E talagang ngingitian lang kayo ni idol Panelo ‘pag ganyan ang mga diskarte ninyo sa buhay.

Bakit ba andami-daming nagagalit kay idol Panelo? Susmaryosep! Ngiti pa lang ni idol e talaga namang nakaka-good vibes na ng limang taon. Mas makulay ang telebisyon (4K man ‘yan o hindi) kapag mukha ni idol Panelo ang ipinapakita. Tapos hahamunin niyo pa na mag-commute para maintindihan at maramdaman niya ang problema nating mga commuters? Mahabaging langit! Bakit kayo ganyan mag-isip?

Salvador Panelo is my hero. Bukod sa isang siyang kapita-pitagang Philosopher, isa siyang tunay na bayani. Bibihira lang ang utak na makakaintindi sa takbo ng utak niya. Isa ‘yun sa mga elemento ng pagiging isang demigod. Oo demigod si idol Panelo. Kundi lang ako takot sa tusok ng karayom e ipapa-tattoo ko talaga ang nakangiti niyang mukha sa likod ko.

Kakaiba siyang nilalang. Kung tutuusin, dapat pa nga’y may isang grupo ng mga matitinding Scientists mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang mag-usap usap para pag-aralan ang buong pagkatao niya. Lahat lahat. Actions, behavior, muscle activities etc. ah basta, kailangan natin siyang makilala nang mas malalim pa. Dahil may hindi maipaliwanag akong nakikita at nararamdaman sa presensya niya. Gaya ng mga bubuyog at gagamba, may dahilan kung bakit natin siya kasamang namumuhay sa masalimuot na mundo.

Balik muna tayo sa Transportation Crisis, pasensya na kayo ha. Nae-excite lang talaga ko nang wagas ‘pag si idol Panelo ang napag-uusapan e. Dire-diretso kong magsalita. Freestyle baga! Ewan ko ba, naimpuwensiyahan na yata ako ni idol (sana nga, kahit konti lang).

Pero mga kababayan, inuulit ko, tama si idol Panelo. Anak ng boogie naman e! Huwag tayong magpapadala sa mga damdamin natin na para bang napakalaking isyu niyan. Kung tutuusin, hindi naman isyu ‘yan! Halusinasyon lang natin ang lahat ng ito. Pagod, walang tulog, walang masakyan, tulakan dito tulakan doon. Pambihira. Maawa naman tayo sa tao. Kahit na hindi siya nahihirapan sa pag-iisip kung ano ang dapat sabihin sa mga mamamayan para lang gumaan ang mga dibdib natin (bilang Demigod nga kasi siya!), e kailangan pa rin natin siyang pasalamatan sa lahat ng mga ginagawa niya alang-alang sa taos-pusong paglilingkod. ‘Di ba?

Hindi ko masasabing iilan lang ang mga taong gaya ni idol Panelo dahil nag-iisa lang sa balat ng lupa ‘yan. Dapat nga i-bubble wrap natin ‘yan e. Kailangan siyang pakaingat-ingatan. Para makatiyak tayong araw-araw e makikita natin siya sa ating mga telebisyon.

Long live idol!

-JB

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s