BIYAHENG BAKAL (Dagli)

Habang naglalakad nang nakayuko hawak ang selpon, nagmamadali pero tatanga-tanga, hindi ko sinasadyang natadiyakan ang mga paninda ng isang ale sa gilid ng bangketa. “Ano ka ba? Selpon ka nang selpon hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!” Sigaw sa ‘kin ng medyo may edad nang ale. “Pasensya na ho,” sabi ko, “may nasira ho ba? Babayaran ko na lang ho. Pasensya na.” Patuloy ko habang tinutulungan siyang damputin isa-isa ang mga nagkalat niyang paninda. Continue reading “BIYAHENG BAKAL (Dagli)”

Advertisement

PUBLISHED AUTHOR KA BA?

publish

PUBLISHED AUTHOR KA BA?

“Published Author, ang manunulat na yan ay isang Published Author.”. Malimit ko madinig o mabasa ang ganyang mga pahayag patungkol sa isang manunulat. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang Published Author? Para sa’kin simple lang naman ang ibig sabihin nito, isang manunulat na may libro o akdang nailimbag na. Oo, tinagalog ko lang. Continue reading “PUBLISHED AUTHOR KA BA?”

THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition

TheMoneyTeamInBilibid

THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition

Mga de-kalibreng baril, mobile phones, mamahaling alak, pera at kung anu-ano pang mga bagay na hindi mo maiiisip na magkaroon sa piitan. Yan ang mga nahuli sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Bureau of Corrections sa ilang dormitoryo ng  New Bilibid Prison, na kung saan ilan sa mga nakakulong ay mga drug lords at high profile convicts. Continue reading “THE MONEY TEAM: New Bilibid Prison Edition”

Ang Bagong Krusada (Novella)

Ang Bagong Krusada_Web

Juan Bautista’s 
ANG BAGONG KRUSADA
(Novella)

Kabanata I: Santa Maria

“Sa kasalukuyang panahon ay sino pa nga ba ang ating masasandalan laban sa imoralidad at kasakiman? Mga magnanakaw na pulitiko? Mga buwayang pulis at opisyales ng militar? Hindi nga ba’t malimit ay sila ang mga demonyo na nag-anyong tao sa lupa? Oras na upang muling magsanib ang Krus at Espada. Nalalapit na ang oras na kung saan isang digmaang pandaigdig ang muling magaganap. At sa pagkakataong iyon, ito ay kikilalanin sa kasaysayan bilang Banal na Digmaan, Relihiyon laban sa Relihiyon, Pananampalataya laban sa Pananampalataya, Diyos laban sa Diyos. Oras na upang bumangon sa mahabang pagkakahimbing… Ang Bagong Krusada. Continue reading “Ang Bagong Krusada (Novella)”