
Habang naglalakad nang nakayuko hawak ang selpon, nagmamadali pero tatanga-tanga, hindi ko sinasadyang natadiyakan ang mga paninda ng isang ale sa gilid ng bangketa. “Ano ka ba? Selpon ka nang selpon hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!” Sigaw sa ‘kin ng medyo may edad nang ale. “Pasensya na ho,” sabi ko, “may nasira ho ba? Babayaran ko na lang ho. Pasensya na.” Patuloy ko habang tinutulungan siyang damputin isa-isa ang mga nagkalat niyang paninda. Continue reading “Dagli: BIYAHENG BAKAL”








