“Ang Mangkukulam ng Baryo Pulang Kahoy”

manang_pedra

“Ang Mangkukulam ng Baryo Pulang Kahoy”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)

“Manang Pedra! May dala ho akong pinaksiw na isda. Sana ho ay magustuhan ninyo. Gumagawa din ho ng kakanin ang nanay, hamo’t magdadala ako mamaya.” Ang sambit ng isa sa mga kapitbahay ng matandang babae. Continue reading ““Ang Mangkukulam ng Baryo Pulang Kahoy””

Advertisements

“Ang Pagbabalik ni Sancho”

sancho

“Ang Pagbabalik ni Sancho”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)

“Magkano ho ito?” ang tanong ng batang babae kay Sancho habang hawak ang isang libro.

“Singkwenta na lang para sa iyo iha. Maganda yan.” Ang sagot ni Sancho.

Si Sancho ay isang Manilenyo na nagtitinda ng mga lumang libro sa isang kalye sa Tondo, Maynila. Kinalakihan na niya ang hilig sa pagbabasa kaya’t ito na din ang kanyang ikinabubuhay. Sa murang
edad ay pumanaw ang kanyang mga magulang at magmula nuon ay kinupkop siya ng kanyang lola na may anim na taon nading namayapa. Continue reading ““Ang Pagbabalik ni Sancho””

“VENUS ng Bright Lights”

Venus_Banner

VENUS ng Bright Lights
(Maikling Kwento ni Juan Bautista)

“Pasok na ser! Saktong sakto tayming mo. Si Venus na!” ang paanyaya sa kanya ng nakabantay sa labas.

Sinong Venus naman yun? Ang tanong ni Julio sa kanyang sarili. Parang may pakiramdam tuloy siyang gusto niyang pumasok sa loob. Mag aalas diyes na ng gabi. Hindi niya napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras. Wala naman siyang balak na kahit ano. Wala lang talaga siyang magawa sa bahay. Hindi bale, suweldo naman. Continue reading ““VENUS ng Bright Lights””

“KUWERDAS”

Kuwerdas_Banner

“Kuwerdas”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)

I

Ermita, isa sa mga pinaka maliliwanag na distrito sa buong Kamaynilaan. Dito ako ipinanganak at lumaki. Ako si Sebastian Valmonte. Tawagin niyo na lang akong “Sebas”. Yun na ang kinalakihan kong palayaw dito sa Ermita. Ayos na ayos sakin yun. Laking pasasalamat ko nga sa tatay ko dahil dun. Kesa naman sa ‘Basti’, bukod sa sobrang tanyag na nun dahil sa bokalista ng ‘Wolfgang’, yun din ang paboritong pangalan ng mga teenage idols sa tv at pelikula. Puta ewan ko ba. Kala siguro nila ‘cute’, samantalang ang Sebastian ay naisip ng mga magulang ipangalan sa mga anak nila magmula pa noong unang panahon para lumaki silang matikas, maginoo at higit sa lahat, mabuhay ng may kasaysayan bilang lalaki. Continue reading ““KUWERDAS””