TRAPO

trapo

“TRAPO”

Sa panahon ngayon, ano nga ba ang kailangang mga kwalipikasyon ng isang kandidato para manalo sa posisyon na hinahangad nila upang makapaglingkod o makapangurakot sa bayan? Simple lang,
dapat marunong kang UMARTE.

Hindi mo kailangang ibandera ang diploma mo sa kursong Economics, Engineering, Political Science, at kung anu-ano pang patunay na may pinag-aralan ka. Puta hindi na kailangan ng mga yan. Kagaguhan lang sa kanila yan. Ang labanan ngayon pagalingan umarte at patigasan ng mukha.

Sinampahan ka ng kaso? tangina walang problema. H’wag mong sagutin yung mga akusasyon sa’yo at sabihin mo “Pinupulitika” ka lang ng mga kalaban mo, at higit sa lahat? Ipagsigawan mo sa buong bansa na kakampi mo ang Diyos at Siya lang ang nakakaalam ng katotohanan. Oo alam Niya gago dahil buhay ka pa’t kasalukuyang nagpapaka-bundat sa mga binuwaya mo e may nakahanda ng tahanan para sa’yo sa dagat-dagatang apoy demonyo ka.

Madaming paraan para lusutan ang gusot kapag pulitiko ka, gaya ng una kong sinabi, manahimik ka lang, hayaan mo yung mga uto-utong tao na handang ipagpalit ang tatlo hanggang anim na taon nila sa halagang limandaang piso para ipagtanggol kang tinamaan ka ng lintik ka. O kaya naman, madami kang pera di ba? tumakas ka. Umalis ka sa bansa pansamantagal at dun ka muna sa bahay mo sa Amerika, Hongkong, U.K o kung saang lupalop ng mundo na mayron kang ari-arian at kapag ‘lumamig’ na ang isyu o tapos na termino ng Presidenteng hindi mo kasundo, Bumalik ka na. Putok na putok na sa media ang ‘return of the comeback’ mong tarantado ka nakalibre ka pa ng publisidad na magiging susi sa muli mong pagkapanalo sa susunod na eleksyon punyeta ka. At h’wag mong kakalimutang umiyak sa interbyu ha, kingina ka tsi-tsinelasin kita kapag napanuod kita sa T.V na walang luha at pagbibitaw ng mga pamatay na linyang, “Mahal ko ang ating bansa”, “Mga mahal kong mahihirap, ako’y nagbalik na” at iba pang ka-bullshitan na bentang benta sa mga tao na ginugugol ang kalahating araw sa panunuod ng mga noontime shows at telenobela.

Saka isa pang payo, kung dadalawin mo yung kabit mo at ilang anak sa labas e gawin mo nang buong ingat. Hindi mo kailangan ang publisidad na ganyan, olats tayo diyan. Kapag na-piktyuran ka naman ng ilang mga pakialamero sa buhay at nag-viral sa social media, ang isagot mo na lang “Photoshop Level: 99999”. “Pinupulitika lang po ako ng aking mga kalaban”.

Ano, naiiintindihan mo ba pinagsasasabi ko sa’yo ha? Tanginang to. Gusto mong maging pulitiko at yumaman di’ba? Gawin mo tong mga sinasabi ko sa’yo. Tinitiyak kong mas madali ang mga gawaing ito kumpara sa pagiging matapat na pulitiko. Tapat ka nga sa’min e yung kotse mo Toyota Corolla lang, ang lungkot di’ba? samantalang yung kapitbahay mo na negosyante na nagsumikap mula sa hirap e Ford Expedition ang sasakyan, tapos ikaw Corolla e pwede ka namang mangurakot tangina ka at matapos ang isang buwan mo sa puwesto e may pambili ka na ng Cadillac Escalade.

Maaari ding dumating ang panahon na makulong ka. E pano nga kasi hindi mo kaalyado o BFF ang ilang mas matataas sa’yo. Gago ka na kasi bobo ka pa hindi ka marunong maglaro. Masyado kang tumutok sa pang-uuto mo sa madlang pipol at hindi mo na napansin na nababadtrip na pala yung ibang pulitiko sa’yo. Aba dramahan mo din kasi sila. H’wag mong kakalimutan na anumang oras e pwede kang suwagin ng mga yan. Ang bobo talaga nito.

Pero kapag nakulong ka, easy ka lang, wala ka na magagawa diyan. Pero pansamantala lang yan, syempre kapag hindi ka pa ba naman natuto sa katangahan mo ewan ko na lang. Kapag napalitan na ang pulitikong nagpakulong sa’yo, bola-bolahin mo agad yung pumalit. Lahat gawin mo kahit dilaan mo pa yung tenga niyan tangina ka pare-pareho din naman kayong mga desperado. Tiisin mo na lang ang alat, isang napakaliit na sakripisyo para sa muling pagbubuhay hari mo at pananalasa ng buong pamilya mo at mga kaibigan mo.

Pero teka, alam mo ba yung ibig sabihin ko ng TRAPO? Kapag sinabi kong ‘Trapo’ hindi lang basta ‘Traditional Politican ha’, kundi ‘basahan’. Habang tumatagal lalong dumudumi. Maaligasgas sa kamay, lukut-lukot, mabaho, nakakadiri. Ang kadumihan mo ang nagpapakita kung gaano ka na katagal sa pagiging ‘Basahan’.

Ganyan ka-simple ang maging isang matagumpay na TRAPO kapatid. Pero kung ang hangad mo’y makapagbigay sa bayan ng ‘Tapat na Serbisyo’; H’wag mong gagawin lahat ng pinagsasabi ko sa’yo. Medyo mahirap pero kayanin mo, sa ngalan ng milyun-milyong Filipino, Nagmamakaawa kami sa’yo, Tulungan mo kami. At nawa’y sabay sabay tayong makaahon mula sa bangungot na ito…

-JB

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s