
Nung mga nakaraang araw ay madalas akong makatanggap ng mga mensahe sa aking Facebook Page tungkol sa Dagli. Mayroong mga nagtatanong kung paano ba, at mayroon ding mga nakikiusap kung maaari ba silang humingi mula sa akin. Hindi ko alam kung bakit, maaaring para sa kanilang pag-aaral o personal na interes sa pagsusulat. Kaya minabuti ko na lang na magsulat ng isang sanaysay tungkol sa pagsusulat ng isang Dagli.
Ang “Dagli” ay isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag na “maikling maikling kuwento”. Matagal nang nakikita at nababasa ang ganitong anyo sa ating lokal na panitikan, at sa kasalukuyan, ilan lamang sa mga kilalang kuwentista ng ating panahon sina Eros Atalia (Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli) at Jack Alvarez (Ang Autobiografiya ng Ibang Lady Gaga). Continue reading “Ang DAGLI” →