Nuisance

nuisance

“Nuisance”
ni Juan Bautista

I

-“Tol tatakbo ka daw sa pagka-Presidente? Lakas din
ng trip mo e no. Pagtatawanan ka lang tol. Nuisance
ka kasi.”

-“Nuisance? Ano yon?”
-“Tamo ka. Ni hindi mo alam tapos tatakbo ka. Panggulo,
pang-asar, kupal, kamote, bobo etsetera. Continue reading “Nuisance”

Advertisement

BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia

bitay

“BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia”
ni Juan Bautista

I – Guilty

Apat na oras na lamang ang nalalabi, at bibitayin na si Juanito. Siya ay hinatulang “Guilty” sa kasong ‘rape’ at ‘murder’ magdadalawang taon na ang lumipas. Si Juanito Zamora ay ang pinaka kadusta-dustang kriminal sa kasalukuyan, ang kanyang biktima ay walang iba kundi si Elizabeth Valencia. Continue reading “BITAY: Hustisya para kay Eliza Valencia”

“Ang Mahiwagang Kambal Ni Divina”

mahiwagang_kambal

“Ang Mahiwagang Kambal Ni Divina”
maikling kuwento ni Juan Bautista

“Pasensya ka na Tonyo. Hindi kita mapagbibigyan sa ngayon. Ang usapan ay usapan, kung gusto mo pang makaulit sa susunod, magbayad ka ng tama.” Ang sabi ni Lemuel kay Tonyo matapos makiusap ang huli na kung maaari’y ipagpaliban na muna ang kanyang pagbabayad ng utang dahil biglang nagkasakit ang anak nitong sanggol. Continue reading ““Ang Mahiwagang Kambal Ni Divina””

BOGART

bogart_banner

“Bogart”

Maikling Kuwento ni Juan Bautista

 

Hanggang ngayon hindi pa din ako makahilagpos sa napakahigpit na yakap ng lumbay. Magdadalawang araw na nang ako’y iniwan ng isang napakabuting kaibigan. Si Bogart. Si Bogart na kasama ko sa lahat ng oras, sa pagkain, inuman kasama ang tropa, sa pagtulog, ultimo sa pagtiis ng gutom kapag wala kaming kinita sa pagbebenta ng basahan sa kalsada. Wala na si Bogart. Iniwan nako ni Bogart. Continue reading “BOGART”

DIVINE

divine

“Divine”
Maikling Kuwento ni Juan Bautista

Agosto, Dos mil uno, kasagsagan ng tag-bagyo. 2nd year college pa lang ako non. Kasama kong nakatambay sa yosihan sa likod ng campus ang mga tropa kong sila Eduardo, Raymond, Alexis at Jodi. Walang araw na hindi kami nagpangita sa tambayang iyon. Lahat kami nag-yoyosi. Nang walang anu-ano, biglang humirit si Eduardo, “Mga chong! Mag-nightclub tayo!” walang kaabug-abog nitong sabi. Continue reading “DIVINE”

Mga Tutubing Karayom Sa Ibabaw Ng Baha

Baha

“Mga Tutubing Karayom Sa Ibabaw Ng Baha”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)

Alas sais ng umaga, pinilit ni Rico bumangon mula sa pagkakahiga. Kailangan niya nang tumayo. Kahit parang binibiyak ng unti-unti ang kanyang bungo sa dami ng nainom na serbesa noong nagdaang gabi sa kaarawan ng kaibigang si Sato ay hindi siya pupuwedeng lumiban. Naka-kompromiso kasi siya kay Mang Dante, siya ang kukuha ng mga litrato para sa gaganaping kasal ng anak nitong babae. Continue reading “Mga Tutubing Karayom Sa Ibabaw Ng Baha”

“Ang Pagbabalik ni Sancho”

sancho

“Ang Pagbabalik ni Sancho”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)

“Magkano ho ito?” ang tanong ng batang babae kay Sancho habang hawak ang isang libro.

“Singkwenta na lang para sa iyo iha. Maganda yan.” Ang sagot ni Sancho.

Si Sancho ay isang Manilenyo na nagtitinda ng mga lumang libro sa isang kalye sa Tondo, Maynila. Kinalakihan na niya ang hilig sa pagbabasa kaya’t ito na din ang kanyang ikinabubuhay. Sa murang
edad ay pumanaw ang kanyang mga magulang at magmula nuon ay kinupkop siya ng kanyang lola na may anim na taon nading namayapa. Continue reading ““Ang Pagbabalik ni Sancho””