IMORTAL AT IBA PANG KUWENTO NG PAG-IBIG, HIWAGA, KABIGUAN AT TRAHEDYA ni Juan Bautista
(PSICOM Publishing Inc., 2016)
Binubuo ng 12 maikling kuwento. Lagpas kalahati ang nagustuhan ko. Mahusay maghabi ng kuwento si Bautista. Sa unang talata pa lang, kuha na niya agad ang atensyon ko. Pagkatapos ay halos ayaw ko nang bitawan dahil interesado ako sa mangyayari. Madali lang basahin dahil ang uri ng Filipino niya ay yong pangaraw-araw nating naririnig sa kalye. Oo, kasama na yong mura kapag naglalakad ka sa tabi ng mataong kalsada at nagkataong may nagaaway. Anyway, may warning naman sa pabalat ng libro: “R-18” kaya huwag mo na lang itong basahin kung bata ka pa.
Hindi lang yong mga mura ang dahilan bakit R-18 ito. Marami sa mga tauhan dito ay mga durugista, rapists, lasenggo, mamamatay-tao o sex addict. Meron din namang hindi. Nagkataon, ang mga kuwentong walang karakter na ganyan ang mas nagustuhan ko kagaya. Halimbawa nito’y ang “Ang Pagbabalik ni Sancho.” Nabasa ko na ito sa FB post ni Bautista dati at natatandaan kong ito ang nagbigay sa akin ng ideya na mahusay siyang magsulat. At yang ideya na yan ang dahilan kung bakit pumayag akong padalhan niya ng libreng kopya (may kasama pang t-shirt) ng mas naunang aklat niyang “Hector: The Royal Brothers.” Nagustuhan ko rin yon kaya noong nakita ko sa FB na available na itong “Imortal,” bumili na lang ako at hindi na inasahang papadalhan ulit ni Bautista ng libreng kopya. Sa kuwentong “Ang Pagbabalik ni Sancho,” na-struck ako ng linyang ito:
“Sino pa nga ba ang may interes na bumili ng mga ibinibenta kong libro? Kung ang mga pang araw-araw na gawain ng halos lahat na yata ng mga tao ay nakabase at nakatuon sa Telebisyon at Internet.”
Nalungkot lang ako dahil pakiramdam ko ay totoo ito. Marami akong kaibigan at kamaganak na nagtataka bakit mahilig akong bumili at magbasa ng libro.
Isa pang magandang kuwento na first time kong nabasa ay iyong “Divine” dahil na makapigil-hiningang sitwasyon kung paano malulusutan ng barkada yong nangyari sa kanila. Mataba ang utak ni Bautista at parang buhay na buhay yong mga kabataan sa isip ko. Sakto ang paglalarawan niya pati ang diyalogo. Wala kang itatapon na salita sa kuwentong ito. Masinop ang pagsulat at balanse ang una, gitna at katapusan. May mga kuwento rito na maganda ang umpisa pero parang nakulangan ako sa dulo. Dito sa “Divine” sakto lahat.
Hindi ko na iisa-isahin ang iba pang kuwento dahil baka ma-spoil kayo. Basta ang gusto ko lang sabihin ay ito: si Bautista ay isa sa mga mahuhusay na Pinoy writers sa kasalukuyan na wala sa academe. Hindi ko alam kung nag-workshop siya o kurso niya sa kolehiyo ay may kaugnayan sa pagsusulat. Basta ang alam ko ay nasa Doha, Qatar siya bilang OFW at hindi sya guro. A breath of fresh air, ‘ika nga, dahil karamihan sa mga manunulat ngayon ay nasa academe at ang mga libro nila ay thesis sa undergrad, M.A. o PhD. Hindi lahat pero karamihan sa mga batang manunulat na may magandang aklat ay unang sinulat para sa thesis.
Salamat, Juan Bautista sa pagbabahagi ng iyong talino sa pagsulat. Aabangan ko ang mga susunod mong akda.
– Doni Oliveros (Goodreads Librarian/ Founder: Pinoy Reads Pinoy Books)
kawila ng pangyayan wala ako
LikeLike
ikaw seany ka walapal ak
LikeLike