TRAPIK (Maikling Kuwento)

Humahangos paakyat ng bus si Migs hawak ang isang balot ng chicharon at isang box ng donut na bilin ng anak na si Isabel. Napangiti na lang lamang si Erika nang makita ang lalaking hindi magkandatuto sa pagmamadali.

                “Dahan-dahan at baka masubsob ka. Hindi ka na maiiwan at nandito ka na sa loob. Kundangan ka.” Sambit ng babae habang himas-himas ang bilog na tiyan.

Continue reading “TRAPIK (Maikling Kuwento)”

Dagli: BIYAHENG BAKAL

Habang naglalakad nang nakayuko hawak ang selpon, nagmamadali pero tatanga-tanga, hindi ko sinasadyang natadiyakan ang mga paninda ng isang ale sa gilid ng bangketa. “Ano ka ba? Selpon ka nang selpon hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!” Sigaw sa ‘kin ng medyo may edad nang ale. “Pasensya na ho,” sabi ko, “may nasira ho ba? Babayaran ko na lang ho. Pasensya na.” Patuloy ko habang tinutulungan siyang damputin isa-isa ang mga nagkalat niyang paninda. Continue reading “Dagli: BIYAHENG BAKAL”