ALAGWA: Tatlong Dagli

ALAGWA

I

“Mga panaghoy sa apoy”

 

Isa nanamang obra ang aking natapos. Isang pangahas na obra na nakatakda ring maglaho kinabukasan.

Bakit nga ba ‘ko gumagawa ng isang obrang base sa imahen ng taong kinasusuklaman ko? Isang taong libu-libo na ang pinahirapan at pinatay, pero milyun-milyon pa rin ang sumusuporta’t nagtitiwala. Continue reading “ALAGWA: Tatlong Dagli”

Advertisement

BIYAHENG BAKAL (Dagli)

Habang naglalakad nang nakayuko hawak ang selpon, nagmamadali pero tatanga-tanga, hindi ko sinasadyang natadiyakan ang mga paninda ng isang ale sa gilid ng bangketa. “Ano ka ba? Selpon ka nang selpon hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!” Sigaw sa ‘kin ng medyo may edad nang ale. “Pasensya na ho,” sabi ko, “may nasira ho ba? Babayaran ko na lang ho. Pasensya na.” Patuloy ko habang tinutulungan siyang damputin isa-isa ang mga nagkalat niyang paninda. Continue reading “BIYAHENG BAKAL (Dagli)”

Ang DAGLI

Nung mga nakaraang araw ay madalas akong makatanggap ng mga mensahe sa aking Facebook Page tungkol sa Dagli. Mayroong mga nagtatanong kung paano ba, at mayroon ding mga nakikiusap kung maaari ba silang humingi mula sa akin. Hindi ko alam kung bakit, maaaring para sa kanilang pag-aaral o personal na interes sa pagsusulat. Kaya minabuti ko na lang na magsulat ng isang sanaysay tungkol sa pagsusulat ng isang Dagli.

Ang “Dagli” ay isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag na “maikling maikling kuwento”. Matagal nang nakikita at nababasa ang ganitong anyo sa ating lokal na panitikan, at sa kasalukuyan, ilan lamang sa mga kilalang kuwentista ng ating panahon sina Eros Atalia (Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli) at Jack Alvarez (Ang Autobiografiya ng Ibang Lady Gaga). Continue reading “Ang DAGLI”