APOY: RAP GAME 2020

Sobrang init ng Hip Hop ngayon mga Tol. Rap Game is back! “In” nanaman ang dissing game na namayagpag nuong 90s hanggang early 2000s. Sino ba naman ang makakalimot sa klasik na “Dear Kuya” ni Syke? ‘Yung pagpapalitan ng diss tracks nina Loonie at Badang? D-Coy vs Mike Swift? At marami pang “beefs” sa Pinoy Hip Hop Community. Pero sa tingin ko, pakiramdam ko, mukhang mas magiging malawig at matagal ang rap game season na ‘to mga tol.

Unang-una, hindi lang dalawa o apat na emcees ang involved sa rap game na ‘to ng 2020. May mga nasasangkot dahil nababanggit, may mga grupo na nakikipag-wasakan sa ibang emcees at nagkakasanga-sanga na ang lahat na kada yata may bagong track na lalabas, may aalma o madadamay.

Spontaneous ang nangyayari, mga Tol. Dahil may kanyang-kanyang kampo at sirkulo ang mga emcees sa Pinas. Kaya naman ang mga linyang “kunsintidor”, “irrelevant”, “laos” at marami pang iba ay madalas nating madinig ngayon hindi lang sa mga emcees kundi pati sa mga taga-suporta nila. At ang pagbabanggaan ng mga tagasuporta ng magkabilang kampo ay isa lang sa mga maaaring maging epekto ng rap game season na ito.

Pumutok ang rap game ngayong taon dahil sa pagbabanggaan ng 187mob at Salbakuta. At pagkatapos nuon ay sunud-sunod na ang mga diss tracks na naglabasan mula sa iba’t iba pang emcees. Matinde mga Tol. Dahil parang nagbato ka lang ng yosi sa tuyong palayan at agad na kumalat ang apoy. Mabilis ang mga pangyayari. At may ilang anggulo tayong nakikita sa rap game na ‘to na maaaring lumala pa sa labas ng Hip Hop. Huwag naman sana.

Hindi ko matandaan kung ilang beses ko nang nasabi ‘to pero sasabihin ko pa rin alang-alang sa sanaysay na ito. Iba ang BEEF sa Rap Battle. Malayung-malayo, mga Tol. At sa tingin ko, sasang-ayon sa’kin ang iba pang Hip Hop enthusiasts sa statement ko. Dahil kung nasubaybayan mo ang Hip Hop mula 90s or earlier, alam kong alam mo ang sinasabi ko. 

Sa rap battle, pinaghahandaan mo nang maigi ang iyong makakatunggali. Sulat dito, sulat doon. Kalkal dito, kalkal doon. At oo, maaari mong balahurain ang isang emcee sa rap battle, pero for the sake of getting the W. May mga hurado. At pagkatapos ng ilang minutong batuhan ng mga bars at verses, tapos na ang digmaan.

Pero pagdating sa Beef, ibang usapan yun mga Tol. Mas direkta, mas personal. Ang hangarin ng mga emcees na ito ay ang maangatan ang isa sa lahat ng paraang maaaring gawin gamit ang mga salita. Mas masakit, mas epektibo. Kapag totoo ang isyung ibinabato, mas malakas. Kaya naman kaliwa’t kanan ang mga argumento tungkol sa bawat isyu na ibinabato ng mga emcees sa mga katunggali nila. Pati mga supporters at followers ng mga emcees ay nagbabangayan na. Nagmumurahan na. 

 

Pano nga ba natin malalaman kung sino ang tunay na nagwawagi sa isang rap game. Unahin natin ang mga importanteng elemento. Rap Skills, pen game, beat/production at higit sa lahat, ay ang authenticity ng mga statements ng emcee laban sa katunggali. Sino ba ang nag-iimbento lang? Sino ba ang nagsasabi ng totoo? 

Isa sa mga pwede nating ihalimbawa dito ay ang beef between Nas at Jay-Z nuong early 2000s. Itinuturing ng mga Hip Hop fans na absolute classic ang diss tracks na The Takeover (Jay-Z) at Ether (Nas). Maraming nagsasabi o naniniwala na binody bag ni Nas si Jay-Z dahil sa sobrang lakas ng Ether track. Pero ang tanong, sino ang mga mas konkretong bitaw sa dalawa?

Personally, and as a Nas fan, naniniwala akong lumamang nang kaunti si Jay-Z. Sobrang lakas ng Ether pero may mga linya duon na pure “accusations” lang. Maaaring nagwagi si Jay-Z para sa’kin sa beef na ‘yon, pero hindi ko sinasabing mas mahusay siya kay Nas. Milya ang kanilang pagitan pagdating sa isitilo at poetic elements. Mas mahusay na lyricist si Nas para sa’kin.


Pero sa rap game season na ito sa Philippine Hip Hop, naniniwala akong hindi naman masyadong makakaapekto kung nanalo o natalo ang emcee involved. Ang importante, nakatayo pa rin sila pagkatapos ng digmaan. Dahil pagkatapos ng rap game na ‘to, panibagong “era” ang mabubuo at maaaring mamamayagpag ang mga emcees na kasangkot sa rap game.

Ayos lang naman ang lahat. Nakikita at napapakinggan natin ang kahusayan ng mga local emcees natin dahil naoobliga sila magsulat nang mahusay dahil sa rap game na ‘to. At sana, huwag nang umabot sa pisikalan. Yun naman ang concern nating lahat, ‘di ba?

Abangan natin ang susunod na kabanata.

– JB

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s