ANG BAGONG KRUSADA (Rebyu ni Y.M Bait)

Ang Bagong Krusada ni Juan Bautista

Ito ang ikatlong katha ni G. Bautista na aking nabasa. Una ay ang kanyang librong Imortal at ikalawa ay ang Red Manila Stories. Hindi ako binigo ng panulat ni G. Bautista. Ang pagkukuwento sa pagkakataong ito ay nasa perspektibo ng sosyal na pagtingin at pagkilatis lalo pa ang mga umiiral na organismo (Simbahan o Gobyerno) gayundin ng pagbabanggaan ng mga nag uumpugang mga puwersa (juxtaposition) ang kabutihan laban sa kasamaan.

Malinaw at kongkretong nabuo sa aking imahinasyon ang mga itinayo niyang lunan, karakter lalo pa ang iniisip at nararamdaman ng mga ito. Maidagdag pa’y Filipinong-Filipino ang mga bihis niya rito, na para sa akin ay isa sa mga tatak ng kanyang panulat. Saludo po ako sa inyo ginoo.

Kung susuriin pang mabuti ay may historikal na pinag ugatan ang nilalaman ng nobela (ang Krusada) na tatagos sa Relihiyon at Pakikidigma at Pamumuno. Napapanahon para sa akin ang nobelang ito kung saan tayo o ang ilan (ilang mamamayan ng Sta Maria at mga krusados) ay nabubulag o nagbubulag-bulagang sumusunod (blind adherence) o dili kaya naman ay pikit mata o kibit balikat na lamang at walang pakialam (apathy) sa mga isyung kinakaharap ng bansang ito.

Salamin ng nobelang ito ang katunayan at katotohanang nagaganap sa kasalukuyan at patuloy na umiiral (realismong pananaw).

Ang nobelang ito rin ay nagpapakita ng higit pang nakakatakot na mga nilalang higit pa sa mga mangkukulam at demonyo, iyon ay ang posibleng epekto ng poot at galit ng isang tao na magtutulak sa kanya sa paghihiganti.

Binabati kong muli si G. Bautista sa isa namang obrang kanyang kinatha. Muli ay nagkintal siya ng isang panulukang bato bilang kanyang ambag sa Panitikang Filipino! Mabuhay ang Pilipinong manunulat! Mabuhay ang Panitikang Filipino!

– Y.M Bait

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s