Magsulat Tayo

Tara, magsulat tayo.

Disinuwebe anyos lang ako nang umpisahan kong isulat ang “Hector”, taong 2003 at natapos ng 2013. Idagdag pa ang halos isang taong paulit-ulit na pagbabasa at pagwawasto at inilathala ko itong mag-isa noong 2014. Sa tulong nina Michael Bryan Alegria at Golden Maestra bilang proofreaders, masasabi kong matagumpay naman ang kinalabasan ng kauna-unahan kong nobela.

Mahal na mahal ko ang librong ito dahil sa tagal ng inabot, parang ‘tatlong ako’ ang nagtulong-tulong para sa nobelang ito. Ako na disinuwebe anyos na hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang larangang gusto kong tahakin sa buhay. Ako na beinte tres- beinte singko anyos na nagsusumikap nang magtrabaho para sa kinabukasan ng mga mahal ko sa buhay. At ako na magte-treinta anyos na may asawa na; at nangangarap na maging isang mahusay na manunulat/kuwentista sa hinaharap.

Ayon sa kasabihan, sa buhay, kailangan nating makapagtanim ng puno, magkaroon ng anak at makapagsulat ng libro. Sa tingin ko ang pinakaimportante ay iyong huli. Dahil ang pagsusulat ay isang responsibilidad. At ang mga mensahe natin ay mananatili, sa pamamagitan ng isang libro. Ang bawat piyesa ng iyong panulat ay isang kontribusyon para sa lipunan.

Maaari rin naman nating isulat kung gaano ba kaimportante ang mga puno, at kung paano maging isang huwarang magulang upang mabasa ng susunod na henerasyon. At higit sa lahat, ang ‘pagsusulat’ ay isang kaloob para sa lahat.

Mayaman, mahirap, cum laude o tambay, pwedeng magsulat. Kaloob sa’tin ‘yan ng Lumikha.

Maglakad ka lang sa kalye nang maghapon, paguwi mo sa bahay pwede ka na magkuwento. Ano ba ang nakita mo? ano ba ang narinig mo? anong naramdaman mo habang pinapanood mo yung tindero ng mais sa kanto? Lahat, bawat eksena, bawat anggulo, may isang nakakubling kuwento, na maaari nating isaboses sa pamamagitan ng pagsusulat.

Nobela, maikling kuwento, sanaysay, tula o awit.

Tara, magsulat tayo.

-JB

Para sa mga trip umiskor ng “HECTOR”, maaari kayong mag-message sa’kin sa Facebook.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s