Self-righteous Maderpakers Part II

SRM2_Banner

Paalala: ANG ARTIKULONG ITO AY ISANG “SELF-RIGHTEOUS” ARTICLE…

Bumalik na ng Vatican ang mahal na Santo Papa. Si Pope Francis. Matapos ang makasaysayang pagbisita sa Pilipinas. Pananalampalataya, pag-ibig, pag-asa, pagpapahalaga sa ating mga kabataan, pagtulong sa mga nangangailangan. Ilan lamang ito sa kanyang mga ginintuang aral na iniwan sa isang bansang kasalukuyang nilulukuban ng iba’t ibang sakuna, kahirapan, kaguluhan at higit sa lahat, kaliwa’t kanang katiwalian.

Hindi ko na idedetalye lahat ng mga pangyayari sa pagbisita ni Pope Francis. Kailangan pa ba? Eh habang nanonood ang buong sambayanan eh sino ba ang hindi narindi at bahagyang sumakit ang ulo sa mga naka ‘Unli-TALK’ na mamamahayag? “Ayan na po kasalukuyang dumadaan na ang Santo Papa dito sa bandang harapan natin at kumaway pa nga sa’kin.”, “Kanina sa plane ano, nakamayan ko ang Santo Papa at talaga namang buong giliw niya akong binati at binendisyunan.” Etsetera etsetera andadaldal  nila masyado yung iba common sense na lang nakikita naman natin sa telebisyon, “Ayan kitang-kita po natin na may inilapit na bata sa Santo Papa at kanya itong hinalikan.” Etsetera…

Hindi naman sa nang-aano, minsan kasi lalo na sa mga ganoong pagkakataon na gusto mong isa-dibdib ang bawat eksena habang pinapanood mo ang Santo Papa na kumakaway, naka-ngiti, hinahalikan sa noo ang mga bata ang sarap kasi sa pakiramdam makakita ng mga ganoong eksena. Pero kung may mistulang higanteng lamok o bubuyog na dada ng dada nakaka-irita din kasi minsan. Anyway, siguro masyado lang sila ne-excite at pasalamatan pa din natin sila sa pagtatrabaho. Saludo din para sa ating mga Pulis, good job sila. Maiba na tayo, hindi naman mga reporter ang tutumbukin natin sa artikulong ito.

Inaasahan na natin ito, ang muling pag-atake ng mga SRM o Self-righteous Maderpakers (ito ang unang artikulo tungkol sa kanila). Iyong mga nilalang na kulang pa ang salitang ‘talino’ dahil alam nila ang lahat (kahit ang iba sa kanila ay ‘di nagbabasa at walang kasiguraduhan sa mga pinagsasasabi nila). At naghihintay ng mga pagkakataong gaya ng pagbisita ng mahal na Santo Papa, Fiesta ng Nazareno, Fiesta ng Peñafrancia (at Awards Night, Beauty Pageant, Musika, Boksing, Basketball, Pulitika basta bida sila sa lahat ng bagay.) Ang tanong, bakit nga ba sa tuwing may mga pangyayari at pagdiriwang (lalo na ng mga Katoliko) ay umaatake ang mga ito?

Ito ang ilan na maaaring dahilan kung bakit ba sila umaatake:

*Bilang SRM, kailangan nilang mamuhay sa paniniwalang walang mas tama higit sa pananaw nila.
*Umiinit ang ulo nila sa tuwing nakikita nilang mas madami ang mga naniniwala sa hindi nila pinaniniwalaan o ayaw nilang pakisamahan.
*Obvious naman na iba ang relihiyon nila.
*Wala lang. Papansin lang ganun lang ka-simple.

Gaya nito;

SRM2_2

At nito;

SRM2_3

At hindi lang iyon, mayron din walang kamuwang-muwang na nabiktima ng mga SRM na walang nakakaalam kung saan ba nila naiwala o naiwan ang mga bayag nila at hindi magawang magpakilala upang maipahayag ang kanilang mga kontrang pananaw. Kawawa naman yung tao pinagmumura ng marami sa social media. Gumamit na ng mukha ng may mukha nagbabanggit pa ng ibang relihiyon. (Duda ko na member ng INC tong hinayupak na ito.)

gian

Ilan sa mga pahayag ng mga Maderpaker na ito ay sumasamba daw tayo (mga Katoliko) sa isang normal na tao na hindi daw tama. Sinasamba agad? Hindi ba puwedeng ‘minamahal’ at ‘hinahangaan’? Karapat-dapat naman talaga mahalin ang isang taong walang ibang hinangad kungdi ang mangibabaw ang kapayapaan at pagmamahalan sa buong daigdig hindi ba? Maging Santo Papa man ito o hindi. Kahit doktor, construction worker, magbobote basta mabuting tao eh karapat-dapat naman itong mahalin at irespeto. Concert nga mga Koreano pinag-iipunan ng mga kababayan natin eh, si Pope Francis pa kaya ang hindi pupuntahan.

Puwera na lamang sa iba na kahit tuluyang mabura ang ‘dangal’ mapansin lang at mapag-usapan gaya na lamang ng ‘balakubak’ na ito;

SRM2_4

At mayroon din mga nilalang na ‘pilit’ hinahanapan ng mali ang bawat salita at kilos ng ating mahal na Santo Papa, gaya nito;

SRM2_5

Tol. Maaaring ginagamit nga ang hand sign na yan ng mga ungas na demonyong karakter ng lipunan o alagad ng dilim sa mga kuwento’t pelikula base sa kasaysayan o yung mga taong ‘malulungkot’ na nagpapanggap na ‘astig’ pero sana bago ka bumira, nagbasa-basa ka muna. Ang tanga mo eh! Sa totoo lang isa sa mga paborito kong Religious Leaders sa Pilipinas yung pinuno niyo, seryoso, pinapanood ko siya sa youtube (tuwang tuwa ako matapos niyang ilampaso sa isang debate yung atheist na self-proclaimed Darwinian) kaya lang ikaw hindi ka nag-iisip. Mapagalitan ka sana.

mute_ILY

Mute hand sign yan na ang ibig sabihin ay “I Love You” o “Mahal Kita/Kayo”. Hand signs na ginagamit ng mga pipi at bingi sa kanilang pakikipag-usap.

Anak ng boogie naman talaga oo… tsk!

Anyway, wala na tayong magagawa talaga dahil kanya-kanyang paniniwala eh. Respeto? Wala. Mahirap na talaga yan. Pero kung nabubuhay kayo para yurakan ang Iglesia Katolika, mas madami pa din kaming magtatanggol dito. Iyon ang bagay na wala na kayong magagawa. At para sa lahat ng mga dakilang Self-righteous Maderpakers sa Pilipinas, ito ang mensahe namin sa inyo…

Pope-Francis-10-0116

Ay Lab U pa din daw sabi ni Pope Francis!

Advertisement

One thought on “Self-righteous Maderpakers Part II

  1. Natutuwa ako at may natitira pang mga open-minded na tao. Kasi sa panahon ngayon, ang salitang open-minded ay naiuugnay ng mga #teamtigang sa kauhawan nila. Anyways, nakakalungkot na may gumagamit ng ibang relihiyon tulad ng INC na walang dudang bukas-palad ang pagtulong. Ang sarap lang hampasin ng pistel ng shembot IQ flavour ang mga hunghang. Nakakalungkot din kasi hindi nila (katoliko; mga “SRM”) ang pinuno nila.

    Keep it up, bro. Sana ikaw na yung can opener na bubukas sa nangangalawang na mga de latang utak ng ilang Pinoy. Kudos!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s