Featured Story: “Sundo” by John Rhommel Fernando

sundo

“Ang Sundo”
ni JR Fernando

“Kung nais mong iligtas sa kamatayan ang isang mahal mo sa buhay, saluhin mo ng daliri mo ang unang patak ng kanyang luha sa oras mismo ng kanyang paghihingalo.” Ito ang alaalang bumabalik sa isipan ni Mang Eliseo na sinabi noon ng kanyang Lolo. Continue reading “Featured Story: “Sundo” by John Rhommel Fernando”

Dos Mil Diecisiete

2017

Happy New Year Rockstars!

Isa na namang taon ang nakatakda para ipagpatuloy ang buhay. Mga bagong problema, bagong isyu, bagong katarantaduhan ng mga peeps na walang magawang matino sa buhay at kung anu-ano pa. Kung tutuusin, bago pa lang magtapos ang taong 2016, madami pa ring nangyare. May tinamaan ng ligaw na bala, bulagta rito, bulagta riyan, sex scandal ng ilan sa mga paboritong i-follow ng mga netizens, pagtatalu-talo tungkol sa pagmumura ng presidente,  at pagtakbo ni Gen. Bato matapos umusok sa mismo nyang mga kamay si “Goodbye Delima”. Continue reading “Dos Mil Diecisiete”

Book Review: Macarthur by Bob Ong

macarthur

Macarthur – Book Review
Unang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Ang balak ko talagang unang basahin sa mga libro nya ay yung ‘Stainless Longganisa’ dahil sa pagkakaalam ko, tungkol iyon sa kanyang pagsusulat. Ayos sana para naman magkaroon ako ng ideya sa istilo nya ng pagsusulat at pagkukuwento, pero mailap yung ‘Stainless’ e, kaya hiniram ko muna sa pinsan ko ang kopya nya ng Macarthur. Continue reading “Book Review: Macarthur by Bob Ong”

Book Review: Mondomanila by Norman Wilwayco

mondo

“Mondomanila” Book Rebyu

“Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon.

Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon.”

Ilang beses ko nang sinabi at hindi ako magsasawa na ulit-ulitin ito, kung pagsusulat at pagkukuwento ang paksa. Si Norman Wilwayco ang pinakamaimpluwensyang nilalang sa aking buhay Kuwentista at Mambabasa. Ang Mondomanila, ang pangalawa kong nabasa sa kanyang mga akda. Subalit bago ko ito rebyuhin ay minabuti kong basahin itong muli dahil wasak talagang balik-balikan ang kuwento ng buhay ni Tony. Continue reading “Book Review: Mondomanila by Norman Wilwayco”