Dos Mil Diecisiete

2017

Happy New Year Rockstars!

Isa na namang taon ang nakatakda para ipagpatuloy ang buhay. Mga bagong problema, bagong isyu, bagong katarantaduhan ng mga peeps na walang magawang matino sa buhay at kung anu-ano pa. Kung tutuusin, bago pa lang magtapos ang taong 2016, madami pa ring nangyare. May tinamaan ng ligaw na bala, bulagta rito, bulagta riyan, sex scandal ng ilan sa mga paboritong i-follow ng mga netizens, pagtatalu-talo tungkol sa pagmumura ng presidente,  at pagtakbo ni Gen. Bato matapos umusok sa mismo nyang mga kamay si “Goodbye Delima”.

Ano ba ang mga dapat nating asahan sa taong ito? Syempre lahat ng mga positibong bagay. Matinong trabaho, malusog na pamilya, mabawasan ang trapik at higit sa lahat, kapayapaan.

E yung mga gusto nating baguhin sa mga sarili natin sa taong ito? Marami pa rin bang dapat baguhin sa sarili mo? Ako rin e. Sabagay, lahat naman tayo. H’wag mo nang isama yung 1 cup of rice per day na taun-taon mo na lang ibinubulong sa sarili mo. Walang namang masama doon e ang importante malusog ka.

Siguro, para sa’kin, kung marami tayong peeps na natulungan noong nakaraang taon – mas damihan pa natin ngayon. Kahit sa anong paraan, para bago magtapos ang taong ito, mas madami pa yung magpapaabot ng mensahe, lalapit at yayakap sa’tin, para batiin tayo ng Happy New Year. At magpasalamat dahil may kasaysayan ang mga nagawa mo para taong ito.

Muli, maligayang bagong taon at goodluck sa ating lahat!

– JB

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s