“Ang Mga Hinayupak Na Riding In Tandem”

hinayupak

“Huling huli po ng CCTV Camera ang ‘Riding-in-tandem’ nang barilin ng mga ito ang isang negosyante, ang isang ginang na naglalakad, ang isang Barangay Captain, isang binatang estudyante, tindero ng mais, titser, retiradong pulis, isang matapang na mamamahayag, at isang tiwaling pulitiko na walang ginawa kungdi ang mangurakot sa kaban ng bayan (sa kasamaang palad “Bulletproof” yung magarang sasakyan ng hayop na to kaya nabigo yung dalawang pobreng naka motor).”

Kininginang inang yan! Halos araw araw na ginawa ng Diyos may ganitong balita. Kung may “promotion” lang para sa mga kamerang ito malamang lahat sila Heneral na sa dami ng nahuli.

At ang masaklap, kundi nakatakip ng t-shirt ang mga pagmumukha ay naka helmet ang mga salot na to kaya hirap ang mga pulis na makahuli. Wala ding ‘plate number’ ang mga motor. May sa-hunyango din yata itong mga ‘to dahil sa kabila ng mga ‘checkpoints’ ng ating kapulisan, eh nakakalusot parin ang mga Mad Max na to. Tsk…

Isinusulat ko ang artikulong ito dahil mayroon akong kaibigan na kasalukuyang nagluluksa dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid. Walang kaabug-abog na binaril sa hindi malamang dahilan.

Gaano na nga ba ka-delikado ang magpakalat kalat sa kalsada ngayon? ultimo sa labas ng gate ng bahay mo tila yata hindi na din ligtas. At paano kang mapapanatag kung alam mo na may pagala galang mga ungas na handang pumatay para sa halagang dalawang libong piso. At sa dami nila ngayon, yung iba siguro may promo pa. “Kami na lang i-hire niyo ser! Kill 1 Take 1 pagkatira namin sa mismong target pati yung katabi lilikidahin na din namen! ‘Tu Payb’ na lang!”

Nakakagigil di ba?!

Ano nga ba ang solusyon? Bumili ka ng baril? Hindi siguro. Sabi nga ni DMX sa isang pelikula, “Guns don’t kill people! People KILL people!”

Tama. Dahil kahit may hawak kang armalite o bazooka pa yan, kung hindi mo naman kayang pumatay ng tao, wala din. Dahil hindi ka naman kase mamamatay tao di ba?.

Saka minsan kase pag may dala kang baril ay sobrang tikas na tikas tayo sa ating mga sarili na para bang isang masamang tingin lang ng isang tambay sa kanto eh pagkalakas lakas ng loob mo, “geh! kininginang ina mo ka may bakal akong dala!”. Hindi din tama.

Ang mga “Hired Killers” na ito ay binabayaran ng mga parokyano nila para ipaligpit ang mga taong “May Atraso” sa kanila. Puwedeng may pagkakautang, inanakang babae na hindi pinanagutan, nangamkam ng lupa o ari-arian at marami pang ibang dahilan.

Kaya sa tingin ko, mas mababa ang posibilidad na bigla ka na lang hahandusay sa kalsada kung iiwasan mo ang mga gawaing ito para hindi ka magkaroon ng “atraso” sa kapwa mo.

1. Huwag maging tsismoso at tsismosa (kumakain din ng adobo o kalderetang tsismosa yang mga demonyong yan.)

2. Iwasan ang pambu-bully sa kalye at social media (tigil tigilan mo na yung paninira at pamumuna sa kapwa anak ng boogie naman oh hindi makakatulong sa’yo yan meyn!)

3. Huwag na huwag mong lalandiin yung EX mo lalo na kung may asawa’t anak na. Move on na boy! Baka maging mitsa pa ng buhay mo yan.

4. Hindi lang ikaw ang may karapatang umasa ng respeto mula sa iba. Dahil hindi lang ikaw ang TAO sa barangay niyo.

5. Higit sa lahat, huwag masyadong maangas at mayabang kapatid! Tandaan mo, kahit anak ka pa ng kahit sinong poncio pilato, DALAWANG LIBONG PISO lang ang halaga ng buhay mo. At kapag minalas ka pa, eh madale din ng “Kill 1 Take 1” promo yung nobya mo. Maging simple lang tayo. Mas masaya. Mas ‘iwas disgrasya’.

Pero huwag natin kakalimutan. Ang galit ay galit, ang demonyo ay demonyo. Kahit saan man tayo mapadpad. Ibayong pag-iingat at pagdarasal ang hindi dapat kaligtaan sa lahat ng ating mga gawain…

Ayos ba?!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s