Dear Mr. Ben Tulfo

Dear Mr. Ben Tulfo,

Alam na ng marami sa Social Media ang statement mo patungkol sa isyu ng Rape. Hindi ko na kailangang ulitin pa, kung tutuusin, ayaw ko naman talagang banggitin dahil ayaw kong manggaling mismo sa’kin ang statement mo kahit ipapasa ko lang sa iba. Kasi sobrang mali.

Mag-focus na lang tayo sa mismong punto ng argumento mo, kung susumahin, ang isa sa mga primerong dahilan (para sa’yo) na maaaring magahasa ang isang babae ay dahil sa kanyang kasuotan.

Sir, victim blaming ‘yan. Malabo ang argumentong ‘yan.

Bukod sa mga dalaga, may nagahasa na ring sanggol, lola, lalaki, ultimo manok, aso at baka ginagahasa ng mga animal na rapist. Hindi porke’t naka-bikini ang babae sa isang beach resort ay nangangahulugang may lalaki nang umaagos ang laway sa bibig dahil sa sobrang kalibugan o pagkahayok sa laman. Sala ang punto mo sa isyu na ‘to.

Pero matapos kang punahin ng mga tao, may sagot ka, siyempre reputasyon mo bilang isang “tagapamahayag ng masa” ang nakasalalay diyan. You said, “I am NOT promoting rape culture.”

Siyempre. Naniniwala ako sa’yo, Sir. Sino ba namang utak ipis na maraming naniniwala/sumusuporta ang magpo-promote ng paggawa ng isa sa mga pinaka karumal-dumal na krimen na matagal ng problema ng buong mundo? Victim Blaming was not your intent? Ok sige. Take that out. Pero ang mas kailangan sigurong tutukan Sir e ‘yung mismong mga rapist at ‘yung may mga posibilidad na manggahasa. Alam naman nating wala sa kulungan lahat ng kalaban. Marami pa ring nakakalat na rapist sa paligid, naghihintay ng mabibiktima, naglalaway, nangangati, nanginginig ang mga laman at kasu-kasuan habang lilinga-linga sa paligid. Babae, Lalaki, sanggol, manok, aso o baka, mairaos lang ang kahayupan.

Again, Sir. Mali ‘yung statement mo. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang humingi ng dispensa. Ewan ko ba kung bakit napakahirap yun gawin para sa ibang tao na maraming fans na naniniwala. Siguro isa na rin sa mga dahilan yun. Dahil alam nilang sa kabila ng kamalian, may magtatanggol at susuporta pa rin sa kanila.

At ang mensahe ko naman para sa mga victim blamers diyan, wala magulang na gustong magahasa ang anak nila. At walang sinuman, may damit o wala ang gustong magahasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s