Maligayang Pasko 2017

Sadyang napakabilis ng pagtakbo ng mga araw. Pasko na naman. Kamusta naman ang taon ninyo? Siyempre kung may saya, meron ding lungkot. ‘Di ba? Pero ganun talaga. Ang importante, sa kabila ng lahat, lahat tayo – pamilya, mga kaibigan at kakilala, magkakasama pa rin. Walang kaaway. Walang katampuhan. Walang iniiwasan. Mapayapang pamumuhay.

Alam na naman nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko. Hindi na kailangan pang paulit-ulitin taun-taon ‘yan. Huwag din nating kalimutang maipagdasal man lang ang mga kababayan nating dumadanas ng mga hirap at pasakit ngayon. Mga nasalanta ng bagyo, mga nagluluksang anak at magulang, mga nagugutom. Karamihan sa’tin ay iyon lang naman ang magagawa para sa kapwa. Kung may maibibigay, ayos. Kung wala naman e ayos lang din, isama na lang natin sila sa ating mga panalangin.

Hindi keso’t hamon, regalo o alak ang batayan kung gaano kasaya ang Pasko. Ang importante, sa araw araw na ginawa ng Diyos, e hindi tayo makalimot sa pakikipagkapwa-tao.

Mula sa akin at sa aking pamilya, Maligayang Pasko at maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa Juan Bautista Stories.

-JB

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s