“Kuwerdas”
(Maikling Kuwento ni Juan Bautista)
I
Ermita, isa sa mga pinaka maliliwanag na distrito sa buong Kamaynilaan. Dito ako ipinanganak at lumaki. Ako si Sebastian Valmonte. Tawagin niyo na lang akong “Sebas”. Yun na ang kinalakihan kong palayaw dito sa Ermita. Ayos na ayos sakin yun. Laking pasasalamat ko nga sa tatay ko dahil dun. Kesa naman sa ‘Basti’, bukod sa sobrang tanyag na nun dahil sa bokalista ng ‘Wolfgang’, yun din ang paboritong pangalan ng mga teenage idols sa tv at pelikula. Puta ewan ko ba. Kala siguro nila ‘cute’, samantalang ang Sebastian ay naisip ng mga magulang ipangalan sa mga anak nila magmula pa noong unang panahon para lumaki silang matikas, maginoo at higit sa lahat, mabuhay ng may kasaysayan bilang lalaki. Continue reading ““KUWERDAS””