Maria

Mary-Jane-Fiesta-Veloso
Photo credits to the owner

“Maria”

Isang Filipina ang nakatakdang bitayin sa bansang Indonesia ilang oras habang isinusulat ko ang artikulong ito. Si Maria, tatlumpung taong gulang, may dalawang anak, isang tipikal na Filipina na nangarap para sa kanyang mga mahal sa buhay. At para maisakatuparan ang mga pangarap niya, gaya ng karamihan, gaya ko, sinubukan niyang makipagsapalaran sa ibang bansa. Ngunit sa kasamaang palad, alam na siguro nating lahat kung ano ang kinahinatnan. Death penalty sa pamamagitan ng firing squad ang hatol sa kanya kasama ang walong iba pa dahil sa kasong drug smuggling. Droga.

Inosente si Maria. Putangina inosente siya. Biktima siya. Biktima siya ng mga walang kaluluwang gumagamit at nanloloko ng kapwa Filipino para sa mga sarili nilang interes. Pinatunayan ito ni Maria Kristina Sergio, yung recruiter ni Mary Jane. Boluntaryo siyang sumuko. Illegal recruitment, human trafficking at estafa ang kaso ni Sergio. Inosente si Maria…

Marami ang nagdasal para kay Mary Jane. May mga nag-alay ng tula at iba pang mga artikulo patungkol sa kasong ito. Mga alagad ng sining, makata, musiko, guro, pulis, tindera, ultimo mga manginginom sa kanto. Sa pagkakataong ito napatunayan nanaman natin ang pagiging ‘isa’ bilang mga Filipino.

Malapit nang bitayin si Mary Jane. Ilang oras na lang. Sana lang mapagtanto ng presidente ng Indonesia na talagang inosente siya. Diyos ko mahabaging langit. Sana.

Masisisi ba natin ang Indonesia o dapat ba nating ikagalit ang naging hatol para kay Mary Jane? Hindi. Sa totoo lang nirerespeto ko ang batas nila. H’wag nating kalimutang isang Indonesian din ang nakatakdang bitayin. Ganon sila magpatupad ng kanilang batas. Kung ano ang nakasaad, iyon ang nararapat. Palibhasa kasi sa atin, kilo-kilong shabu na ang nasabat, naaabsuwelto pa. May isa nga punyeta nakakulong nakakapag-rekord pa ng album. May music video pa amputangina. May award pa. Airconditioned ang kulungan, may kusina, may studio may limpak-limpak na salapi at armas sa oblo. Ibahin natin ang iba, ang batas nila ‘stainless’, ang batas natin matagal nang ‘kinakalawang’. Kaya naman nagulat tayong lahat sa hatol ng Indonesia para kay Mary Jane.

Dalawang mukha ng Maria ang mayron sa isyung ito. Isang Maria na walang ibang hangarin kundi ang maiahon sa kahirapan ang mga mahal sa buhay, at isang Maria na matagal nang nilubayan ng kanyang kaluluwa dahil sa kasakiman at kawalanghiyaan.

Pilipinas. Ituloy lang natin ang pagdarasal. At para sa lahat ng mga illegal recruiter sa Pilipinas, mga putangina niyo.

 

 

Advertisement

3 thoughts on “Maria

  1. Sumasang-ayon ako sa opinyon mo. At saka paulit-ulit akong napapaisip, ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas? Salamat sa kamulatang ito.

    Like

  2. Putang ina po nila.Sa mga pulitiko na pa pogi points lang dahil exposure sa publiko ang pag asikaso sa kaso ni mary jane. May mapatunguhan man o wala ang mga action nila ukol sa issue nito, ok lng atleast nkpg pasikat sila sa last minute na buhay ng kapwa pilipino.
    Sa mga recruiter nya. Tang ina. Kamusta ka na kaya ngayon?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s