Saint Sinner


Kuhang litrato ni Anthony Tenorio, Artcore Event sa AMA Computer College, Rizal 2003
(from left, Ewing Bufe, JB, Taki Perez)

Circa 2002.

Sa Big Fire Grill sa Anonas ang unang-unang bar gig ng banda namin. Dating Aristocrat na resto. Independent lang ang production na pinangungunahan ni Alex ng bandang Mage Warlox. Kakilala kasi siya ng bokalista naming si Taki. Mangilan-ngilang tropa rin ang nagpunta para sumuporta sa Saint Sinner. Kaya naman kahit papaano e nakabawas din sila ng kaba namin. ‘Yung drummer naming si Edwin, hindi mapakali sa mesa. Si Ewing naman na lead guitarist namin, tangina, nagse-set up na kami ng mga gamit sa stage sumusuka pa sa banyo sa dami ng nainom. Ako naman, na gitarista din (sa kasaysayan ng Saint Sinner hindi kami nagkaroon ng bahista), naninigas ‘yung mga daliri ko dahil bigla akong kinabahan nung nagbawas ng ilaw sa stage. Baka kasi magkamali ako dahil hindi ko masyadong maainag ‘yung fretboard ng gitara ko. Continue reading “Saint Sinner”