Isang tipikal na hapunan

Isang tipikal na hapunan

Ilang henerasyon na ba? Ilang Administrasyon na? Hanggang ngayon, biktima pa rin ng sistema ang mga mahal nating magsasaka. Mabuti pa ang kalabaw, hindi nauubusan ng damo. E ‘yung mga pobreng kaibigan nila? Sa kabila ng araw-araw nilang kaharap ang lupa’t palay, minsan, kailangan pa nilang mangutang ng isang kilong bigas para may maihain sa pamilya. Tapos sasabihin pa ng ibang mga walanghiya, ayos lang ang bansa – Dahil ayos lang sila. Yung mga magsasakang nakikibaka pa nga sa kalye, minumura pa nila. Ito yung mga klase ng taong pakiramdam nila e napakapalad nila sa buhay dahil mas nakaaangat sila sa mga magsasaka. Ang hindi nila alam, halos lahat tayo, nasa ilalim lang din ng kapangyarihan ng mga anay ng lipunan. Continue reading “Isang tipikal na hapunan”

BIYAHENG BAKAL (Dagli)

Habang naglalakad nang nakayuko hawak ang selpon, nagmamadali pero tatanga-tanga, hindi ko sinasadyang natadiyakan ang mga paninda ng isang ale sa gilid ng bangketa. “Ano ka ba? Selpon ka nang selpon hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!” Sigaw sa ‘kin ng medyo may edad nang ale. “Pasensya na ho,” sabi ko, “may nasira ho ba? Babayaran ko na lang ho. Pasensya na.” Patuloy ko habang tinutulungan siyang damputin isa-isa ang mga nagkalat niyang paninda. Continue reading “BIYAHENG BAKAL (Dagli)”

Morobeats: Knowledge, music & culture

Founded by DJ/Producer Mohammed Bansil a.k.a DJ Med Messiah, Morobeats is an independent record label and distributor with a collective of various artists who are deeply focused on culture, social issues and lyrical expressionism. Bansil tightly managed to gather profound, stoic and passionate lyricists from all over the country. To name a few, some of the notable artists under the label’s umbrella are Rudic, J-Kid, Damsa, Kudos, Fateeha, Kintab Talas and Tanikala. Continue reading “Morobeats: Knowledge, music & culture”

Commuter ka ba? Tara, mag-adjust tayo!

“May solusyon naman doon e. If you want to go, arrive early in your destination, then you go there earlier.”Salvador Panelo

Tama si Panelo! Idol ‘yan e. Bakit ba hindi naiisip ng marami ang simpleng solusyon na ‘yan? Kung alas-otso ng umaga ang pasok mo sa trabaho at na-late ka ngayong araw dahil ala-singko ka umalis ng bahay, e ‘di gawing mong alas-kuwatro ang alis. Gusto mo para mas sigurado, alas-tres. Hindi dahilan ‘yung kulang ka pa sa tulog dahil gabi ka na rin nakakauwi dahil sa sobrang trapik at mahirap sumakay. Continue reading “Commuter ka ba? Tara, mag-adjust tayo!”