Self-Righteous Maderpakers Part III

SRM_PartIII
Paalala: ANG ARTIKULONG ITO AY ISANG “SELF-RIGHTEOUS” ARTICLE…

Magandang araw mga ka-SRM. Kamusta na? ayos pa ba? ang buhay natin? kaya pa ba? (YANO reference) Sa dami ng mga balita tungkol kay ganito at sa ganyan, ang pinaka-mainit na balita siguro ngayong taon bukod sa lindol sa Kathmandu Nepal, lindol sa Japan, katapusan ng “Forevermore” at patuloy pa din ang kaso ng mga Binay, ay ang laban sa pagitan ni Floyd “Money” Mayweather at Manny “Pacman” Pacquiao.

At gaya ng inaasahan, umatake nanaman ang mga Self-righteous Maderpakers o SRM. Ang mga SRM kasi jack-of-all-trades ang mga yan. Pwede silang maging judge, boxing analyst, sports journalist pagdating sa isyung pampalakasan. Kapag relihiyon ang usapan, walang problema, nagiging Pastor din sila, historian, klerigo o preacher. Basta kahit anong isyu, may kakayahan silang mag-ibang karakter para sa kahit na anong usapin.

Talo si Idol. Pero ok lang, nakita naman nating lahat kung pano siya lumaban di ba. Nag-boksing siya. Kaya natalo. Pero mag-move-on na tayo mga tol. 8 Division World Champion si Manny, matulungin sa kapwa, maka-Diyos. At higit sa lahat, hindi mayabang. Di gaya ni Mayweather na kala mo eh superior upline ng lahat ng networking businesses sa buong mundo sa mga posts ng kung anu-ano. Magagarang kotse, pera, relos, shades, mouth guards na worth 25,000 usd at marami pang iba.

Sa totoo lang, isa ko sa mga milyun-milyong hindi pa nakaka move-on sa pagkatalo ni idol. Bitter baga. Pero bilang boksingero napatunayan na ni Pacman ang dapat niyang patunayan. Ayos na yun. Pwede na din siya magretiro kung gusto niya.

Pero malihis nga tayo ng konti. Sa totoo lang, matapos ang labang MayPac, grabe ang naging reaksiyon ng buong mundo. Lalo na nating mga Filipino. Ga’no ka-grabe? puta Racism na matinde na ako mismo hindi halos makapaniwala na sa mga kababayan ko mismo nagmumula ang mga mensahe.

Gay-weather, chicken runner, black coward, wife beater kung anu ano pa. Mga memes na kung sa ibang tao mo ginawa e baka nagbigti na.

Sa totoo lang, kahit milyunaryo si Mayweather at limpak limpak ang pera, mga kotse, may eroplano, chopper, Bentley na golf cart etc., hindi ko ipagpapalit ang sarili kong buhay sa buhay niya. Ikaw ba naman ang balahurain, laitin, bastusin, babuyin, murahin at akusahang hindi lalake sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos, gugustuhin mo pa bang maging isang Floyd Mayweather ka?

***

FILIPINO PRIDE. Tanginang ‘Filipino Pride’ yan. Gasgas na gasgas na dahil ginagamit ang termino sa maling paraan. Si Lea Salonga na isa sa mga tunay na nagwagayway ng ating Bandila sa kanyang larangan kung gaguhin ng ibang FILIPINO netizens ganun-ganun na lang. OA daw sa The Voice, maarte, ayaw sa mahirap at may isa pa kong nabasang komento sa Facebook, “Ayaw niya kay (contestant) dahil mas magaling sa kanya.” . Maderpaker.

Pero ‘wag ka, si Jessica Sanchez na Filipino-Mexican proud na proud sila. Kapag wala kang nakitang video ni Jessica Sanchez sa Youtube na walang komentong “Filipino Pride” o “Proud to be Pinoy” kakain ako ng bakal.

“Jessica Elizabeth Sanchez is an American singer and songwriter originally from Chula Vista, California.” – Wikipedia

American…

Wala namang masama kung maging proud ka sa isang taong may dugong Pinoy, pero kadalasan masyado na tayong lumalayo e sandamakmak ang mga mahuhusay na Pinoy hindi nga lang nabibigyang pansin. Siguro kasi, hindi sila lumabas sa isang reality TV show o contest. O baka hindi guwapo/maganda, o baka hindi kilala ni Kris Aquino kaya ganun. O hindi pa naige-guest sa Gandang Gabi Vice. Nananatili sila sa ilalim. Nilalamon lang sila ng mainstream.

Magaling si Jessica Sanchez siyempre. Gusto ko din siya. Pero yung mga SRM na nagsasabing kakainin niya ng buhay si Sarah Geronimo at Rachel Anne Go, hindi naman siguro. Lagi tayong nagkukumpara para sa ika-aangat ng isa at para ibaba naman ang isa. E pareho ngang magaling. Bakit hindi na lang suportahan pareho. Mas okey yon di ba?

Matanong ko nga, iyan bang Filipino Pride niyo e taos sa puso? Kasi tandang-tanda ko nung nai-guest si Charice Pempengco ni Oprah at Ellen e bumaha nanaman yang Filipino Pride statements niyo na yan. Pero nang magpagupit ng panlalake at nag-out si Charice na siya ay may pusong lalake, patay na. Hindi ko na idedetalye kung anung klaseng panlalait at pambababoy ang inabot niya sa mga tao. Sa mga kapwa niya FILIPINO.

Sabi ng mga SRM hindi daw ginawa ng Diyos ang mga Tomboy at Bakla. E sinong gumawa sa kanila? mga Alien? kaya siguro may mga multi-talented na Tomboy at Bakla e dahil sa mga Alien Breeds sila. Nung nakilala si Charice sa Amerika at naka-duet pa si Celine Dion ang sigaw mo “Filipino Pride”. Nung sinabi niyang Tomboy siya kulang na lang sabihin mong hindi siya Tao. Maderpaker.

***

Bumalik tayo sa Racism isyu. Kailangan na nating ibahin ang mga istilo natin pagdating sa pagbabato ng kung anu-anong bansag at pagkilala sa mga ibang lahi. Nung nakaraan may na-deport na Thailander dahil naghimutok ang mga Netizens (na mostly Racists din naman) dahil sa mga statements ng kababayan ni Ong Bak gaya ng ‘Toilet Licker’ at iba pa.

Pero nung natalo ni Floyd Mayweather si Manny Pacquiao, tangina, kulang pa ang term na “Racist” sa mga SRM na ito. Kawawa hindi lang si Floyd kundi lahat ng mga Negro sa mundo. Huwag tayong ganon meyn! Tawag natin sa mga maiitim ‘Sunog’, sa mga taga Mongolia ‘Mongol***’, sa mga Indiano ‘Putok / Baho’. Tayong mga Pinoy ang pinakamahusay pagdating sa ganyan sa totoo lang. Sa pagbabansag sa iba. Tayo ang namber wan. FILIPINO PRIDE!

Tapos may isang tao na binansagan tayong ‘Toilet Licker’ kulang na lang dukutin siya at ilitson sa gitna ng EDSA. Alam kong maling-mali yung bitaw niyang ‘yon pero mas madami tayong bitaw sa iba kumpara sa kanya.

Sabi pa ng ilang SRM, “Don’t you ever insult us Filipinos or you die!”

Aba’y mahusay. Palakpakan amputanginang yan. Ang tapang mo gamitin mo dun sa Spratly’s. Matagal na tayong iniinsulto at minamaliit ng China dun mo ipagsigawan yan. Harapin mo yung mga kanyon ng barko de giyera nila.

Racism and Stereotyping shits are all over the world. Pero kasama tayo sa Top Five siguro. Minsan na tayong natawag na ignorante, unggoy, nakakatakot, pandak, pango pero walang nagbago mga tol. Isa parin ang mga Filipino sa mga pinakamahuhusay sa buong mundo sa iba’t ibang larangan. At marami pang may potensiyal na sumunod sa mga yapak nila Lea Salonga, Manny Pacquiao, Charice Pempengco, Paeng Nepomuceno at napakarami pang iba. Suportahan natin sila. Dun tayo tumutok. ‘Wag na muna nating pakialaman ang mga ibang lahi, kung naniniwala si Floyd Mayweather na siya ang “The Greatest” at hindi si Muhammad Ali e di siya na. Paniniwala niya yon. ‘Wag na lang natin siyang tawaging sunog, bakla, madilim etc. Hindi niya ikakabagsak yon. Ikakabagsak NATIN yon. Tuluyang mawawala ang respeto sa atin ng iba kung hindi tayo rumerespeto sa iba ganon ka-simple.

2 thoughts on “Self-Righteous Maderpakers Part III

  1. Sa panahon ngayon ang mga tao sa net(netizens) ay kadalasa’y mga ignorante , ewan ko ba , sa araw-araw na nagbabasa ako sa internet puro mga katangahan ang pinapairal ng mga tao,lalong lalo na ang mga kabataan ..
    Kaya parati akong nagpopost ng mga “kritisismo” tungkol sa mga nangyayari, ‘di naman dahil sa tama ako lagi, tumatanggap ako ng kritisismo, subalit ang mga kabataan ngayon ay gusto na lamang maki-uso, maki-uso doon, maki-uso dito, lahat gagayahin upang makapagpasikat …
    Kaya naman nakakalungkot pagmasdan ang mga kabataan na walang alam gawin kundi maghintay ng likes o kung ano pang shit .
    ni hindi na nga interesado magbasa ng libro, kung magbasa man, yung mga shits na love story na ang bida ay gwapong lalake na isang ‘di attractive na babae tapos papakiligin then happily ever after …
    Ikaw, bilang isang manunulat, saludo ako sa katulad mo na lumilikha ng mga obra na may katuturan. Bihira na ang mga ganitong tao, sa tingin ko kung magsusurvey ka sa 100 kabataan at magtanong ka kung ano ang pinagkakaabalahan nila sa buhay, marahil mga 10 lang ang masasabing “aware sa lipunan” , malawak ang pag-iisip, at marunong sa buhay .

    Like

  2. Ika nga, Filipinos are a bunch of PRETENTIOUS PEOPLE AND BUTTHURTS. Nais nating ipaabot sa buong mundo na tayo ay magaling, malakas at kung anu-ano pang salitang nag-uumpisa sa MA-. Tapos, mahilig tayong pumuna sa kamalian ng iba gaya ng english grammar, hitsura, amoy at kung anu-ano pang trip nating laitin. Syempre, proud to be pinoy di ba? #PinoyPride Heto ngayon, pag may mga banyagang nakapagbitaw ng hindi maganda, kahit yung hindi panlalait, yung tipong constructive critism o kaya’y just stating a fact na ayaw nila ang lasa ng ‘insert pinoy food’, aba’y kulang na lang e pindutin ang button para marinig ang “nuclear launch detected” dahil nanggagalaiti na sa galit dahil ‘nainsulto’ kuno…

    Like

Leave a comment